إعدادات العرض
{Na siya ay nagdala ng isang batang lalaking anak niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpaupo naman dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kandungan niya saka umihi ito sa damit niya kaya nanawagan siya ng tubig saka nagwisik siya nito…
{Na siya ay nagdala ng isang batang lalaking anak niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpaupo naman dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kandungan niya saka umihi ito sa damit niya kaya nanawagan siya ng tubig saka nagwisik siya nito at hindi naghugas nito.}
Ayon kay Ummu Qays bint Miḥṣan (malugod si Allāh sa kanya): {Na siya ay nagdala ng isang batang lalaking anak niya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpaupo naman dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kandungan niya saka umihi ito sa damit niya kaya nanawagan siya ng tubig saka nagwisik siya nito at hindi naghugas nito.}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî دری Македонски Tiếng Việt Magyar ქართული ไทย অসমীয়া Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Kiswahili ગુજરાતી ភាសាខ្មែរ සිංහලالشرح
Pumunta si Ummu Qays bint Miḥṣan (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kasama ng isang anak niya na hindi pa nagsimula sa pagkain ng pagkain dahil sa pagkabata ng edad nito. Nagpaupo nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kandungan niya saka umihi naman ang paslit sa damit niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya humingi siya ng tubig at nagwisik siya nito sa damit niya at hindi siya naghugas nito.فوائد الحديث
Ang mga marangal na kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang labis na pagpapakumbaba niya.
Ang pagmungkahi sa kagandahan ng pakikisama, pagpapakumbaba, kalumayan sa mga nakababata, pag-aliw ng mga puso ng mga nakatatanda, pagpaparangal sa mga anak nila, pagpapaupo sa mga ito sa kandungan, at tulad niyon.
Ang najāsah (karumihan) ng ihi ng batang lalaki kahit pa hindi pa nakakain ng pagkain dala ng isang pagnanasa rito.
Ang ginawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tinatawag na naḍḥ (pagwisik). Ito ay natatangi sa munting batang lalaki na hindi pa nagsimula sa pagkain ng solidong pagkain. Hinggil naman sa batang babae, walang pagkaiwas sa paghuhugas ng naihian nito kahit pa man ito ay isang munting batang babae.
Ang dumi ng batang lalaking hindi pinasususo ng gatas ng ina nito ay walang pagkaiwas dito sa paghuhugas gaya ng nalalabi sa mga karumihan.
Ang paghuhugas ay walang pagkaiwas sa isang dagdag na gawain sa pagpapaabot ng tubig.
Ang pinakamarapat ay ang pagdadali-dali sa pagdalisay ng lugar ng karumihan para sa pagmamabilis sa pagpapakadalisay mula sa marumi at upang hindi malimutan.
التصنيفات
Ang Pag-aalis ng mga Karumihan