Nawawalang-kakayahan ba ang isa sa iyon na kumita sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?

Nawawalang-kakayahan ba ang isa sa iyon na kumita sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?

Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa piling ng Sugo ni Allah (s) saka nagsabi siya: "Nawawalang-kakayahan ba ang isa sa iyon na kumita sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya may nagtanong sa kanya na isang tagatanong kabilang sa mga kaupuan niya: "Papaano po kikita ang isa sa amin ng isang libong magandang gawa?" Nagsabi siya: "Magluluwalhati siya ng isang daang pagluwalhati saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa o may maibabawas sa kanya na isang libong kamalian."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagtanong ang Propeta (s) sa mga Kasamahan niya: "Hindi ba nakakakaya ang isa sa inyo na magkamit sa bawat araw ng isang libong magandang gawa?" Kaya nagsabi ang isa sa mga kaupuan niya: "Papaano po magtatamo ang tao ng isang libong magandang gawa sa isang araw nang may kadalian?" Nagsabi siya: "Sumambit siya ng: subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allah) nang isang daang ulit saka may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa dahil ang iisang magandang gawa ay katumbas sa sampung tulad nito o may mapapawi sa kanya na isang libong masagwang gawa mula sa mga masagwang gawa niya."

فوائد الحديث

Ang pag-udyok sa mga kalamangan dahil ang mga ito ay hagdan ng mga pagtalima.

Ang kainaman ng pagluwalhati at pagsambit ng dhikr at na ang magaang gawaing ito na hindi nakapagpapahirap sa tao ng anuman ay magdudulot sa kanya dahil dito ng malaking pabuya.

Ang pagdadali-dali ng mga Kasamahan sa paggawa ng mga kabutihan nang walang pagpapahuli.

Ang pagpapaibayo ng mga magandang gawa hanggang sa sampung tulad ng mga ito. Iyon ay tulad ng sabi ni Allah (Qur'an 6:160): {Ang sinumang naghatid ng magandang gawa ay ukol sa kanya ang sampung tulad nito, ...} Ito ay ang pinakakaunti sa mga antas ng pagpapaibayo at kung hindi ganito, may nasaad na hanggang sa pitong daang ibayo.

Nasaad sa ilan sa mga salaysay na sa halip ng O ay may nasaad na "at" sa sabi niyang: "O mababawas sa kanya ..." Nagsabi si Al-Qārī: "Maaaring magbigay ang AT [sa wikang Arabe] ng kahulugang O kaya walang salungatan sa pagitan ng dalawang salaysay. Para bang ang kahulugan ay: na ang sinumang nagsabi nito ay maitatala para sa kanya ang isang libong magandang gawa. Kung hindi nagkaroon sa kanya, may maibabawas na ilan at may matatamo na ilan. Maaaring ang O ay maging may kahulugang AT o may kahuluugang BAGKUS. Kaya sa sandaling iyon, magtitipon ito para sa kanya ng dalawang ito. Ang kainaman ni Allah ay higit na malawak kaysa roon." Ibig sabihin: Na may maitatala para sa kanya na isang libong magandang gawa at may maibabawas sa kanya na isang libong masagwang gawa.

التصنيفات

Ang mga Pakinabang ng Pag-alaala kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan