Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay nasa isang paglalakbay o mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito - maliban sa janābah - dahil sa pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog

Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay nasa isang paglalakbay o mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito - maliban sa janābah - dahil sa pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog

Ayon kay Zirr bin Ḥubaysh na nagsabi: {Pumunta ako kay Ṣafwān bin `Assāl Al-Murādīy, na nagtatanong sa kanya tungkol sa pagpahid sa khuff. Nagsabi siya: "Ano ang naghatid sa iyo, O Zirr?" Nagsabi naman ako: "Dala ng paghahangad ng kaalaman." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang mga anghel ay talagang nagbababa ng mga pakpak nila para sa tagahanap ng kaalaman bilang pagkalugod sa hinahanap niya." Kaya nagsabi ako: "Tunay na bumabagabag sa dibdib ko ang pagpahid sa khuff matapos ng pagdumi at pag-ihi. Ikaw ay isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya pumunta ako na nagtatanong sa iyo. Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay roon ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay nasa isang paglalakbay o mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito - maliban sa janābah - dahil sa pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog." Kaya nagsabi pa ako: "Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay sa pagsinta ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay; saka samantalang kami ay nasa tabi niya, biglang may nanawagan sa kanya na isang Arabeng-disyerto sa isang malakas na tinig niyon: 'O Muḥammad!' Kaya sumagot naman doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ayon sa tulad ng tinig niyon: 'Heto ako!' Nagsabi kami roon: 'Ano ka ba naman! Magbaba ka ng tinig mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sinaway ka na laban sa ganito.' Nagsabi iyon: 'Sumpa man kay Allāh, hindi ako magbababa ng tinig ko.' Nagsabi ang Arabeng-disyerto [na iyon]: 'Papaano naman] ang taong umiibig sa mga tao at hindi pa siya nakaabot sa kanila?' Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang tao ay kasama ng mga iniibig niya sa Araw ng Pagbangon.'" Hindi siya tumigil na nakikipag-usap sa amin hanggang sa bumanggit iyon ng isang pinto sa dako ng kanluran, na ang luwang nito ay distansiya - o lalakbayin ng mangangabayo - ng apatnapu o pitumpung taon."}

[Tumpak] [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد]

الشرح

Pumunta si Zirr bin Ḥubaysh kay Ṣafwān bin `Assāl (malugod si Allāh sa kanya), na nagtatanong sa kanya tungkol sa pagpahid sa khuff. Nagsabi si Ṣafwān: "Ano ang naghatid sa iyo, O Zirr?" Nagsabi naman si Zirr: "Dala ng paghahangad ng kaalaman." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang mga anghel ay talagang nagbababa ng mga pakpak nila para sa tagapaghanap ng kaalaman bilang pagkalugod at bilang pagdakila sa ginagawa ng tagahanap ng kaalaman." Kaya nagsabi si Zirr: "Tunay na nag-aatubili sa sarili ko ang pagpahid sa khuff matapos ng pagdumi at pag-ihi. Ikaw ay kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pumunta ako na nagtatanong sa iyo: Nakarinig ka kaya sa Propeta na bumabanggit kaugnay roon ng anuman?" Nagsabi si Ṣafwān: "Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito dahil sa maliit na ḥadath gaya ng pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog, maliban sa janābah sapagkat kinakailangan ang pag-aalis kung gayon." Kaya nagsabi pa si Zirr: "Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay sa pag-ibig ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay; saka samantalang kami ay nasa tabi niya, biglang may nanawagan sa kanya na isang Arabeng-disyerto sa isang mataas na tinig niyon: 'O Muḥammad!' Kaya sumagot naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon sa isang mataas na tinig na malapit sa tinig niyon: 'Halika!' Nagsabi kami roon: 'Ano ka ba naman! Magbaba ka ng tinig mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sinaway ka na laban sa pagtataas ng tinig sa piling niya.' Kaya nagsabi iyon dahil sa kagaspangan niyon: 'Sumpa man kay Allāh, hindi ako magbababa nito.' Nagsabi ang Arabeng-disyerto [na iyon]: 'O Sugo ni Allāh, [papaano naman] ang taong umiibig sa mga taong maayos at hindi siya nakagawa ng tulad sa gawa nila?' Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang tao ay kasama ng mga iniibig niya sa Araw ng Pagbangon.'" Nagsabi pa si Zirr: "Hindi tumigil si Ṣafwān na nakikipag-usap sa amin hanggang sa bumanggit ito ng isang pinto ng pagbabalik-loob sa dako ng Shām, na lumikha nito si Allāh sa araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa, na maglalakbay ang mangangabayo sa luwang nito ng apatnapu o pitumpung taon at hindi ipinipinid hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."

فوائد الحديث

Ang kainaman ng paghahanap ng kaalaman at ang kadakilaan ng katayuan ng tagapaghanap ng kaalaman at ang pagpaparangal ng mga anghel sa kanya.

Ang paglilinaw sa sigasig ng mga Tagasunod sa paghahanap ng kaalaman mula sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila).

Ang pagpayag sa pagpahid sa khuff at ang yugto nito para sa manlalakbay ay tatlong araw kalakip ng mga gabi ng mga ito at para residente ay isang araw at isang gabi.

Ang pagpahid sa khuff ay sa maliit na ḥadath lamang.

Ang pagpayag sa paghiing ng tagapagtanong sa maalam tungkol sa patunay nito kung iyon ba ay teksto o pangangatwiran at ijtihād (personal na pagkahinuha). Kailangan naman sa maalam na hindi mayamot doon.

Ang pagmamagandang-asal sa mga maalam at mga maayos at ang pagbaba ng tinig sa mga pagttipon sa kaalaman.

Ang pagtuturo sa mangmang, ang kagandahan ng etiketa, at ang mga tuntunin ng pag-uugali.

Ang paghimok sa pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtitimpi niya, kagandahan ng asal niya, at pakikipag-usap niya sa mga tao ayon sa sukat ng kaalaman nila at mga isip nila.

Nagsabi si Al-Mubārakfūrīy: Nagtaas lamang siya ng tinig niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) bilang pagkalunos sa kanya upang hindi mawalag-kabuluhan ang gawa niya dahil sa sabi ni Allāh: {X} kaya nagpaumanhin siya rito dahil sa kamangmangan nito. Nag-angat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tinig niya hanggang sa ito ay maging tulad ng tinig nito o mataas dito dahil sa labis na pagkahabag niya rito.

Ang pagsisigasig sa pakikipag-upuan sa mga maayos na tao, ang pagkalapit sa kanila, at ang pag-ibig sa kanila.

Nagsabi si An-Nawawīy: Hindi naoobliga mula sa pagiging siya ay kasama nila na ang katayuan niya at ang ganti sa kanya ay tulad nila sa bawat anyo.

Ang pagbubukas ng pinto ng pag-asa at pagmimithi, ang pagkabalita ng nakagagalak hinggil sa kaligtasan, at ang kabaitan sa pangangaral.

Ang lawak ng awa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ang pagbubukas Niya ng pinto ng pagbabalik-loob.

Ang paghimik sa pagpapakabilis sa pagbabalik-loob, pakikipagtuos sa sarili, at pagbabalik kay Allāh (napakataas Siya).