إعدادات العرض
Hindi ko ba ituturo sa iyo ang mga pananalita na itinuro sa akin ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kahit na sa iyo ay mayroong tulad ng isang bundok na utang,babayaran ito ni Allah para sa iyo?Sabihin mong:(( O Allah! Gawing sapat sa akin ang anumang iyong pinayagan bilang…
Hindi ko ba ituturo sa iyo ang mga pananalita na itinuro sa akin ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kahit na sa iyo ay mayroong tulad ng isang bundok na utang,babayaran ito ni Allah para sa iyo?Sabihin mong:(( O Allah! Gawing sapat sa akin ang anumang iyong pinayagan bilang kapalit sa anumang Iyong ipinagbawal at gawin akong malaya ng pangangailangan sa iba maliban sa Iyo
Ayon kay 'Alīy-malugod si Allah sa kanya-Na ang tagasulat ay dumating sa kanya at nagsabi siya:Tunay na hindi ko kayang bayaran [ang utang ko] Kaya tulungan mo ako . Nagsabi siya:Hindi ko ba ituturo sa iyo ang mga pananalita na itinuro sa akin ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kahit na sa iyo ay mayroong tulad ng isang bundok na utang,babayaran ito ni Allah para sa iyo?Sabihin mong:(( O Allah! Gawing sapat sa akin ang anumang iyong pinayagan bilang kapalit sa anumang Iyong ipinagbawal at gawin akong malaya ng pangangailangan sa iba maliban sa Iyo))
[Maganda] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français ئۇيغۇرچە Kurdî Русский Tiếng Việt Nederlands Kiswahili অসমীয়া ไทย ગુજરાતી සිංහලالشرح
Sa Hadith na ito ay dumating ang Nagkaka-utang, at Siya yaong tao na nagka-utang sa pinuno niya na bilhin niya ang kalayaan niya sa kanya sa [ilang] halaga ng yaman na hulug-hulugan,ngunit ang aliping ito ay walang matagpuang pera na ibabayad niya sa pinuno niya, kaya pumunta siya kay 'Alīy bin Abē Tālib-malugod si Allah sa kanya-humuhiling na tulungan siya sa pagbayad ng utang niya,Pinatnubayan niya ito-malugod si Allah sa kanya-sa isang paggamot na maka panginoon,at ito ay isang pananalangin na ituro sa kanya ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na kapag sinabi niya ito na dalisay sa[ kanyang puso] ay babayaran ni Allah sa kanya ang pagkaka-utang niya, kahit pa ito ay sinlaki ng bundok, Nagsabi siya sakanya:((O Allah! Gawing sapat sa akin ang anumang iyong pinayagan bilang kapalit sa anumang Iyong ipinagbawal at gawin akong malaya ng pangangailangan sa iba maliban sa Iyo))التصنيفات
Ang mga Du`ā' na Ipinahatid