إعدادات العرض
Sabihin mo: O Allāh, patnubayan Mo ako at itama Mo ako.
Sabihin mo: O Allāh, patnubayan Mo ako at itama Mo ako.
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Sabihin mo: O Allāh, patnubayan Mo ako at itama Mo ako." Sa isang sanaysay: "O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa iyo ng patnubay at pagtatama."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt Kiswahili ગુજરાતી پښتو አማርኛ ไทย Hausa Română മലയാളം Oromoo Deutsch नेपालीالشرح
Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa mga masaklaw na mga pananalita ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang mga masaklaw na mga pananalita ay ang magaang salitang naglalaman ng maraming kahulugan. Sa ḥadīth na ito, sa kabila ng kakauntian ng parirala, ay may malaking kahulugan at pahiwatig. Ito ay kabilang sa mga masaklaw, walang pagtatalo yayamang nasaklawan ng ḥadīth na ito ang panaklaw sa lahat ng kabutihan. Ipinag-utos nga ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Alīy, malugod si Allāh sa kanya, na manalangin ng ganito. Nagsabi rito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Sabihin mo: O Allāh, patnubayan Mo ako at itama Mo ako." Ang "O Allāh" ay isang panalangin at isang pagsusumamo kay Allāh, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng pantanging pangngalan Niya na ikinabukod-tangi Niya bilang Panginoon, napakamaluwalhati Niya. Ito ang pangalang naglalaman sa lahat ng napakagagandang pangalan ni Allāh, na inuugnay sa Kanya at inuugnay Siya sa mga ito. Tunay na ito ang pangalan Niya, pagkataas-taas Niya: Allāh. Ang "patnubayan Mo ako" ay isang panalangin at isang pag-asang makakamit ang gabay, ang patnubay sapagkat para bang siya ay humiling kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ng kalubusan ng gabay at patnubay. Ang "itama Mo ako" ay nangangahulugang ituon Mo ako at gawin Mo akong maging tama sa lahat ng mga nauukol sa akin at lahat ng mga kapakanan kong pang-Mundo at pang-Kabilang-buhay. Sa pananalita ay may kahulugan ng pagtutuwid ng mali at pag-aayos ng sala. Dahil dito, ipinagsama ng panalanging ito ang dalawang bagay: A. Ang pagtuon sa gabay; B. Ang paghiling sa pagpapatuloy ng gabay, patnubay, at ang hindi paglabas sa mga ito sa pamamagitan ng paglihis at pagkaligaw. Ang sinumang itinuon ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa panalanging ito, siya ay matatag sa gabay, sumusulong sa daan nito, at nakahiwalay sa pagkalihis at pagkaligaw.التصنيفات
Ang mga Du`ā' na Ipinahatid