Napadaan ang isang lalaki sa sanga ng isang punongkahoy na umaabot sa gitna ng daan. Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allāh, talagang aalisin ko nga ito para sa mga Muslim upang hindi makapinsala sa kanila,' kaya ipinasok siya sa Paraiso.

Napadaan ang isang lalaki sa sanga ng isang punongkahoy na umaabot sa gitna ng daan. Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allāh, talagang aalisin ko nga ito para sa mga Muslim upang hindi makapinsala sa kanila,' kaya ipinasok siya sa Paraiso.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Talaga ngang nakakita ako ng isang lalaking nagliliwaliw sa Paraiso dahil sa isang punongkahoy na pinutol niya mula sa gitna ng daan na nakapipinsala noon sa mga Muslim." Sa isang sanaysay: "Napadaan ang isang lalaki sa sanga ng isang punongkahoy na umaabot sa gitna ng daan. Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allāh, talagang aalisin ko nga ito para sa mga Muslim upang hindi makapinsala sa kanila,' kaya ipinasok siya sa Paraiso." Sa isa pang sanaysay: "Habang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang daan, nakatagpo siya ng isang sangang matinik sa daan. Itinabi niya ito at kinilala ni Allāh ang kabutihan niya at pinatawad siya."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nakakita ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang lalaking nasa Paraiso, na nagliliwaliw dahilan sa isang punongkahoy na pinutol niya na nakapipinsala noon sa mga Muslim. Ayon sa mga sanaysay ng ḥadīth: May pumasok na isang lalaki sa Paraiso. Nagpatawad si Allāh sa kanya dahilan sa isang sanga na inalis niya sa daan ng mga Muslim. Magkatulad lamang kung ang sangang ito ay nasa ibabaw na nakasasakit sa kanila sa tabi ng mga ulo nila, o nasa ilalim na nakasasakit sa kanila sa dako ng mga paa nila. Inilayo niya ito at itinabi kaya kinilala ni Allāh ang kabutihan niya roon at pinapasok siya sa Paraiso.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos