Talaga ngang may pinababa sa akin na isang talata na siyang higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa Mundo sa kalahatan."}

Talaga ngang may pinababa sa akin na isang talata na siyang higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa Mundo sa kalahatan."}

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong bumaba [ang talatang]: {1. Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo ng isang malinaw na pagwagi 2. upang magpatawad sa iyo si Allāh ...} hanggang sa sabi Niya: {... isang pagkatamong sukdulan –} (Qur'ān 48:1-5) sa pagkauwi niya mula sa Al-Ḥudaybīyah, samantalang lumilipos sa kanila ang lungkot at ang lumbay at nakatay na niya ang alay sa Al-Ḥudaybīyah, nagsabi naman siya: "Talaga ngang may pinababa sa akin na isang talata na siyang higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa Mundo sa kalahatan."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) noong bumaba sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang sabi Niya (napakataas Siya): {1. Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo ng isang malinaw na pagwagi 2. upang magpatawad sa iyo si Allāh sa anumang nauna na pagkakasala mo at anumang naantala, [upang] lumubos Siya sa biyaya Niya sa iyo, [upang] magpatnubay Siya sa iyo sa isang landasing tuwid, 3. at [upang] mag-adya Siya sa iyo ng isang pag-aadyang makapangyarihan. 4. Siya ay ang nagpababa ng *katahimikan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila. Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. 5. [Ito ay] upang magpapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, [upang] magtakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila – laging iyon sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan –} (Qur'ān 48:1-5) sa panahon ng pag-uwi niya mula sa Al-Ḥudaybīyah, samantalang ang mga Kasamahan ay nililipos ng lungkot at lumbay at may nakahadlang sa kanila at sa pagsasagawa ng `umrah dahilan sa pinangyari ng kasunduang pangkapayapaan at pagpapalagay nila na ito ay hindi sa kapakanan ng mga Muslim, na noong nakakatay na sila ng alay sa Al-Ḥudaybīyah, nagsabi naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang may pinababa sa akin na isang talata na siyang higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa Mundo sa kalahatan." Pagkatapos bumigkas siya ng mga ito.

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa kadakilaan ng ibiniyaya ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dakilang pagwagi sa kasunduang pangkapayapaan ng Al-Ḥudaybīyah kung saan nagsabi Siya rito: {1. Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo ng isang malinaw na pagwagi 2. upang magpatawad sa iyo si Allāh ...}

Ang paglilinaw sa iminagandang-loob ni Allāh (napakataas Siya) sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) noong nagpasailalim sila sa utos Niya at nagpaakay sila yayamang nagpababa Siya sa kanila ng sabi Niya: {[Ito ay] upang magpapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog ...} (Qur'ān 48:5)

Ang paglilinaw sa kabutihang-loob ni Allāh sa Propeta Niya at sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpangako Niya sa kanila ang pagwagi at ang pagkaadya.

Nagsabi si As-Sa`dīy sa pagpapakahulugan niya sa talatang ito: {Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo ng isang malinaw na pagwagi} (Qur'ān 48:1) Ang nabanggit na pagwaging ito ay ang kasunduang pangkapayapaan ng Al-Ḥudaybīyah. Nang bumalakid ang mga tagapagtambal sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong dumating siya, na nagsasagawa ng `umrah, na nasaad sa isang mahabang kuwento, ang kahuli-hulihan sa nangyari rito ay nakipagkasunduan sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapatigil ng digmaan sa pagitan niya at nila nang sampung taon, sa pagsasagawa ng `umrah sa darating na taon, at sa [pagpayag na] ang sinumang nagnais na pumasok sa tipan sa Liping Quraysh at makipag-alyansa sa kanila ay makapapasok at ang sinumang umibig na pumasok sa tipan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kasunduan sa kanya ay makagagawa [niyon]. Dahilan doon, noong natiwasay ang mga tao sa isa't isa sa kanila, lumawak ang saklaw ng pag-aanyaya para sa Relihiyon ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang bawat mananampalataya sa alinmang pook mula sa mga rehiyong iyon ay naging nakakakaya niyon. Nagsaposibilidad ito sa masigasig sa pagbatid sa reyalidad ng Islām kaya pumasok ang mga tao sa yugtong iyon sa Relihiyon ni Allāh nang pulu-pulutong. Kaya dahil doon, tinawag ito ni Allāh bilang pagwagi at inilarawan Niya ito na ito ay isang malinaw na pagwagi, ibig sabihin, hayag na lantad. Iyon ay dahil ang pinapakay sa pagsakop sa mga bayan ng mga tagapagtambal ay ang pagpapatibay sa Relihiyon ni Allāh at ang pag-aadya sa mga Muslim. Ito ay nangyari dahil sa pagsakop na iyon.

التصنيفات

Ang Pagpapakahulugan ng Qur'ān, Ang mga Kainaman ng Qur'ān