Nagsimula ang Islām bilang kakaiba at manunumbalik ito bilang kakaiba kung paanong nagsimula ito bilang kakaiba, kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba."}

Nagsimula ang Islām bilang kakaiba at manunumbalik ito bilang kakaiba kung paanong nagsimula ito bilang kakaiba, kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsimula ang Islām bilang kakaiba at manunumbalik ito bilang kakaiba kung paanong nagsimula ito bilang kakaiba, kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Islām ay nagsimula bilang kakaiba sa mga individuwal sa mga tao at kakauntian ng mga alagad nito at manunumbalik ito bilang kakaiba dahil sa kakauntian ng nagsasagawa nito kung paanong nagsimula ito, kaya ligaya at mga biyaya ay ukol sa mga kakaiba at tuwa at ginhawa ng mata ay ukol sa kanila.

فوائد الحديث

Ang pagpapabatid hinggil sa pagkaganap ng pagkakaiba-iba ng Islām matapos ng pagkalaganap nito at pagkatanyag nito.

Dito ay may palatandaang kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta yayamang nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa magaganap matapos niya, saka naganap naman kung paanong nagpabatid siya hinggil dito.

Ang kainaman ng sinumang nag-iwan ng bayan niya at angkan niya alang-alang sa Islām at na ukol sa kanya ang Paraiso.

Ang mga kakaiba ay ang mga nagsasaayos kapag nasira ang mga tao. Sila ang mga nagsasaayos ng sinira ng mga tao.

التصنيفات

Ang mga Kalagayan ng mga Taong Maayos