Hindi mag-iiwang ang isa sa inyo ng mababa sa tatlong bato."}

Hindi mag-iiwang ang isa sa inyo ng mababa sa tatlong bato."}

Ayon kay Salmān (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi siya: "Nagsabi sa amin ang [isa sa] mga tagapagtambal: "Tunay na ako ay nakakikita sa kasamahan ninyo na nagtuturo sa inyo hanggang sa magturo siya sa inyo ng pagpapalikuran." Nagsabi siya: "Siya nga. Tunay na siya ay sumaway sa amin na mag-iwang ang isa sa amin sa pamamagitan ng kanang kamay niya o humarap sa qiblah. Sumaway siya laban sa [pag-iwang ng] dumi at buto [ng hayop]. Nagsabi siya: Hindi mag-iiwang ang isa sa inyo ng mababa sa tatlong bato."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagsabi si Salmān Al-Fārisīy (malugod si Allāh sa kanya): Nagsabi sa amin ang [isa sa] mga tagapagtambal bilang pangungutya: "Tunay na ang Propeta ninyo ay nagtuturo sa inyo ng bawat bagay hanggang sa magturo siya sa inyo kung papaano kayong tutugon sa tawag ng kalikasan ninyo ng pag-ihi o pagdumi!" Kaya nagsabi si Salmān: "Oo. Nagturo siya sa amin ng mga etiketa ng pagtugon sa tawag ng kalikasan. Kabilang doon na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa amin na maghugas kami [ng dumi] matapos ng pagtugon ng tawag ng kalikasan sa pamamagitan ng kanang kamay bilang pangangalaga para rito laban sa karumihan at bilang pagpaparangal, o humarap kami sa dako ng Ka`bah sa sandali ng pag-ihi o pagdumi. Sumaway siya laban sa pag-iwang ng dumi ng mga hayop, mga inilalabas ng mga ito, at buto ng mga ito; at na hindi magkasya ang dumumi sa pag-iwang ng higit na kaunti sa tatlong bato."

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa pagkamasaklaw at pagkakumpleto ng Palabatasang Islāmiko sa bawat kinakailangan ng mga tao.

Ang paglilinaw sa ilan sa mga etiketa ng palikuran at paghuhugas ng ihi at dumi.

Ang pagbabawal sa pagharap sa qiblah sa sandali ng pag-ihi o pagdumi batay sa sabi niya: "Sumaway sa amin" dahil ang batayang panuntunan sa pagsaway ay ang pagbabawal.

Ang pagsaway laban sa paghuhugas o pag-iwang sa pamamagitan ng kanang kamay bilang pagpaparangal para rito.

Ang pagsasamainam sa kanang kamay higit sa kaliwang kamay dahil ang kaliwang kamay ay ginagamit sa pag-aalis ng mga karumihan at mga minamarumi at ang kanang kamay naman sa iba pa roon.

Ang pagkakinakailangan ng pag-aalis ng karumihan sa pamamagitan ng tubig o mga bato [o tissue,] maging kaunti man o marami.

Ang pagsaway laban sa pag-iwang ng higit na kaunti kaysa sa tatlong bato dahil ang higit na kaunti sa tatlong bato ay hindi nakalilinis sa kadalasan.

Ang bawat anumang natatamo sa pamamagitan nito ang pinapakay na pagpapakadalisay at pagpapakalinis, tunay na ito nakasasapat. Bumanggit lamang ang Propeta (s) sa mga bato dahil ang mga ito ang nangingibabaw [na ginagamit noon] at ang hindi gayon ay walang pagkaintindi para rito.

Ang pagsasakaibig-ibig ng paglimita ng pag-iwang sa bilang na gansal ngunit kapag natamo ang kalinisan sa apat ay isinasakaibig-ibig na magdagdag ng ikalima at gayon nga batay sa sabi ng Propeta (s): "Ang sinumang mag-iiwang ay magsagawa sa gansal [na bilang]."

Ang pagsaway laban sa pag-iwang sa pamamagitan ng dumi ng hayop dahil ito maaaring marumi at maaaring dahil ito ay kumpay ng mga hayop ng mga jinn.

Ang pagsaway laban sa pag-iwang sa pamamagitan ng buto ng hayop dahil ito ay maaaring marumi at maaaring dahil ito ay pagkain ng mga jinn mismo.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagtugon sa Tawag ng Kalikasan