{Ang mahusay sa Qur'ān ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān at nauutal-utal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang pabuya.}

{Ang mahusay sa Qur'ān ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān at nauutal-utal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang pabuya.}

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang mahusay sa Qur'ān ay kasama ng mga tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān at nauutal-utal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang pabuya.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta na ang nagbabasa ng Qur'ān habang siya ay magaling sa pagkakasaulo, nagpakadalubhasa rito, mahusay, at sanay sa pagbasa nito, ukol sa kanya mula sa gantimpala sa Kabilang-buhay, na ang katayuan niya ay maging kasama ng mga anghel na tagapagtalang mararangal na mabubuting-loob. Ang nagbabasa ng Qur'ān, nauutal-utal dito, at nag-aatubili sa pagbigkas niya dahil sa kahinaan ng pagkakasaulo niya – habang siya sa kabila niyon ay nagmamalasakit dito samantalang ito sa kanya ay matindi at mahirap – ukol sa kanya ay dalawang pabuya: isang pabuya dahil sa pagbigkas at isang pabuya para sa hirap at pag-aatubili niya sa pagbigkas niya.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagsasaulo ng Qur'ān, pagpapakadalubhasa rito, pagpapadalas ng pagbigkas nito para sa pagtamo ng pabuya at gantimpala, at paglilinaw sa kataasan ng katayuan ng sinumang gumawa niyon.

Nagsabi si Al-Qāḍī: Hindi ang kahulugan nito na ang nauutal dito ay ukol sa kanya mula sa pabuya ay higit na marami kaysa sa mahusay rito; bagkus ang mahusay ay higit na mainam at higit na marami sa pabuya dahil siya ay kasama ng mga [anghel na] tagatala at mayroon siyang gantimpala. Hindi binanggit ang katayuang ito para sa isa na iba pa sa kanya. Papaano mapapasama sa kanya ang hindi nagmalasakit sa Aklat ni Allāh (napakataas Siya), pagsasaulo nito, pagpapakadalubhasa nito, dalas ng pagbigkas nito, at pag-alam nito hanggang sa humusay rito?

Nagsabi si Shaykh Ibnu Bāz: Ang nagbabasa ng Qur'ān habang siya ay mahusay rito: ginagalingan niya ang pagbigkas niya at isinasaulo niya ito nang magaling, ay kasama ng mga tagatalang mararangal na mabubuting-loob. Nangangahulugan ito: Kapag bumibigkas siya nito sa salita at gawa, hindi sa payak na pagbigkas lamang: ginagalingan niya ang pagbigkas niya at isinasagawa niya, ito ay umiiral sa kanya sa pananalita at kahulugan.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Pagpapahalaga sa Qur'ān, Ang mga Kainaman ng Marangal na Qur'ān