Ano ang isip ng mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal nila?" Tumindi ang sabi niya kaugnay roon hanggang sa nagsabi siya: "Talaga ngang titigil sila roon o talaga ngang hahablutin ang mga paningin nila."}

Ano ang isip ng mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal nila?" Tumindi ang sabi niya kaugnay roon hanggang sa nagsabi siya: "Talaga ngang titigil sila roon o talaga ngang hahablutin ang mga paningin nila."}

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang isip ng mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal nila?" Tumindi ang sabi niya kaugnay roon hanggang sa nagsabi siya: "Talaga ngang titigil sila roon o talaga ngang hahablutin ang mga paningin nila."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal sa sandali ng pagdalangin o iba pa rito? Pagkatapos tumindi ang pagsawata niya at pagbabanta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang gumagawa niyon na siya ay natatakot para sa mga paningin nila na hablutin ang mga ito mula sa kanila at kunin ang mga ito nang may kabilisan sa punto na hindi sila makararamdam kundi nang nawalan na sila ng biyaya ng paningin.

فوائد الحديث

Ang kagandahan ng pag-aanyaya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang paglilinaw sa totoo dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagbunyag ng tagasalungat dahil ang pinapakay ay ang paglilinaw sa totoo, na nangyari nga, at dahil dito ay may pagtatakip sa tagasalungat at higit na mapag-anyaya sa pagtanggap.

Ang tiyak na pagsaway at ang matinding banta laban sa sinumang nag-aangat ng paningin niya sa langit sa ṣalāh.

Sinabi sa [aklat na] `Awn Al-Ma`būd (Tulong ng Sinasamba): Ang kasanhian kaugnay roon ay na kapag nag-angat siya ng paningin niya sa langit, lalabas siya pagkatuon sa qiblah o lilihis siya palayo roon at palayo sa porma ng ṣalāh.

Ang pagkaila sa pag-angat ng paningin ay para sa kataimtiman sa ṣalāh.

Ang kadakilaan ng pumapatungkol sa ṣalāh at na kinakailangan sa tagapagsagawa ng ṣalāh na siya rito ay maging nasa kalubusan ng etiketa kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

التصنيفات

Ang mga Kamalian ng mga Nagdarasal