إعدادات العرض
Katotohanang si Allah ay inobliga sa kanya ang Paraiso,at iniligtas siya mula sa Impiyerno
Katotohanang si Allah ay inobliga sa kanya ang Paraiso,at iniligtas siya mula sa Impiyerno
Ayon kay `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi: Dumating sa akin ang isang mahirap dala-dala niya ang dalawang anak niyang babae,Pinakain ko siya ng tatlong pirasong dateles.at binigyan ang bawat isa kanila ng dateles,at itinaas niya ang isang dateles upang kainin niya ito,Ngunit ipinakain niya ito sa [dalawang anak] niya,Hinati niya ang isang dateles na siyang ibig niyang kainin sa harapan nilang dalawa.Namangha ako sa ginawa niya,Binanggit ko ang ginawa niya sa Sugo ni Allah-pagpalaain siya ni Allah at pangalagaan,Nagsabi siya: "Katotohanang si Allah ay inobliga sa kanya ang Paraiso,at iniligtas siya mula sa Impiyerno"
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kurdîالشرح
Inilalarawan ng Hadith ni `Aishah maluod si Allah sa kanya-ang isang bagong kaalaman mula sa habag ng nakakatanda sa nakababata,ito ay sa pagsasabi niya: Dumating sa akin ang isang mahirap na dala-dala ang dalawang anak niyang babae,pinakain ko siya ng Tatlong pirasong dateles;Ibig sabihin ay biniyan niya ito ng tatlong pirasong dateles.Walang ibang ginawa ang babaing mahirap kundi ibigay ang isang piraso ng dateles sa anak niya at sa ikalawa ay ang dateles na ikalawa,Pagkatapos ay itinaas niya ang ikatlo upang kainin niya ito,Ngunit ipinakain niya ito sa dalawang anak niya.Ibig sabihin ang dalawang bata ay tumingin sa dateles na itinaas [isusubo] ng ina nila.ngunit hindi niya ito nakain datapuwat ay hinati niya ito sa dalawang hati.Kumain ang bawat isa sa mga bata ng Isang dateles at kalahati,habang ang Ina ay walang nakain kahit na kaunti.Nabanggit ito ni `Aishah-malugod si Allah sa kanya-sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niya ang kung ano ang ginawa ng babae,Sinabi [ng Propeta] sa kanya: "Katotohanang si Allah ay inobliga sa kanya ang Paraiso,at iniligtas siya mula sa Impiyerno" ibig sabihin:Dahil sa paghabag niya sa dalawang [anak niyang] ito,nang ganitong dakilang Pagkahabag,Inobliga ni Allah para sa kanya ang Paraiso.