إعدادات العرض
Tunay na ang demonyo ay nasasapahintulutan sa pagkain na hindi binigkas ang pangalan ni Allāh dito
Tunay na ang demonyo ay nasasapahintulutan sa pagkain na hindi binigkas ang pangalan ni Allāh dito
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami noon, kapag dumalo kami kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang kainan, ay hindi naglalagay ng mga kamay namin hanggang sa magsimula ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka maglagay siya ng kamay niya. Tunay na kami ay dumalo minsan kasama niya sa isang kainan. May dumating namang isang batang babae na para bang ito ay itinutulak sapagkat pumunta ito upang maglagay ng kamay nito sa pagkain ngunit humawak ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kamay nito. Pagkatapos may dumating namang isang Arabeng-disyerto na para bang itinutulak ito ngunit humawak siya sa kamay nito. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang demonyo ay nasasapahintulutan sa pagkain na hindi binigkas ang pangalan ni Allāh dito. Tunay na siya ay dumating sa pamamagitan ng batang babaing ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito saka dumating naman sa pamamagitan ng Arabeng-disyerto na ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito. Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang kamay nitong [demonyo] ay nasa kamay ko kasama ng kamay nitong [batang babae]."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Tiếng Việt Magyar ქართული Kiswahili සිංහල Română অসমীয়া ไทย Português मराठी دری አማርኛ ភាសាខ្មែរ ગુજરાતી Nederlands Македонски ਪੰਜਾਬੀالشرح
Binanggit ni Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na sila, kapag dumalo sila kasama ng Propeta (s) sa isang kainan, ay hindi naglalagay ng mga kamay nila dito hanggang sa magsimula ang Sugo ni Allah (s) saka maglagay siya ng kamay niya. [Nagsabi siya]: "Tunay na kami ay dumalo minsan kasama niya sa isang kainan. May dumating namang isang batang babae na dahil sa tindi ng bilis nito para bang ito ay itinutulak sapagkat pumunta ito upang maglagay ng kamay nito sa pagkain ngunit humawak ang Sugo ni Allah (s) sa kamay nito. Pagkatapos may dumating namang isang Arabeng-disyerto na para bang itinutulak ito ngunit humawak siya sa kamay nito bago masaling nito ang pagkain. Nagsabi ang Sugo ni Allah (s): "Tunay na ang demonyo ay nabibigyang-kakayahan sa pagkain kapag may nagsimula rito na isang tao nang walang pagbanggit kay Allāh (napakataas Siya). Tunay na siya ay dumating sa pamamagitan ng batang babaing ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito saka dumating naman sa pamamagitan ng Arabeng-disyerto na ito upang masapahintulutan siya sa pamamagitan nito kaya humawak ako sa kamay nito. Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang kamay ng demonyo ay nasa kamay ko kasama ng kamay nitong [batang babae]." Pagkatapos binanggit niya ang pangalan ni Allāh (napakataas Siya) at kumain siya.فوائد الحديث
Ang paggalang ng mga Kasamahan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)( at ang pagpipitagan nila sa kanya.
Kabilang sa mga etiketa ng pagkain na maghintay ang nakababata hanggang sa magsimula ang nakatatanda at ang nakahihigit sa pagkain.
Ang demonyo ay nagtutulak sa ilan sa mga kampon ng pagkalingat sa mga gawaing siya ay nalulugod sa mga ito upang mabigyang-kakayahan siya sa pag-abot sa hinahangad niya. Kabilang doon ang nasaad sa ḥadīth na ito.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nagsabi ang mga maalam: "Isinasakaibig-ibig na magpalakas ng pagbigkas ng tasmiyah upang makarinig ang iba sa kanya at matawagan ng pansin ito roon."
Tunay na kapag may dumating na isang nagnanais na kumain at hindi ka nakarinig sa kanya na sumambit ng basmalah, pigilin mo ang kamay niya hanggang sa makasambit siya ng basmalah.
Ang pagkakinakailangan ng pagpapaiba ng minamasama mula sa sinumang naging nakaaalam at ang pagpapaiba ng minamasama sa pamamagitan ng kamay para sa sinumang naging nakakakaya.
Ang ḥadīth na ito ay isang himala kabilang sa mga himala ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nagpaalam sa kanya si Allāh (napakataas Siya) hinggil sa nangyari sa kuwento ito.
Ang demonyo ay hindi nabibigyang-kakayahan sa pagkain ng mga may pananampalataya malibang kapag hindi nabanggit ang pangalan ni Allāh dito.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagtuturo sa ilan sa mga tao ng etiketa ng pagkain at pag-inom sa Islām.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsumpa para sa pagbibigay-diin sa pinatutungkulan sa piling na tagapakinig.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang pagsambit ng tasmiyah sa pag-inom ng tubig, gatas, pulut-pukyutan, sabaw, gamot, nalalabi sa mga iniinum ay gaya ng pagsambit ng tasmiyah sa pagkain.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Kung sakaling nag-iwan siya ng pagsambit ng tasmiyah sa simula ng pagkain dahil nananadya o nakalilimot o namamangmang o napipilitan o nawawalang-kakayahan sa iba pang nangyayari, pagkatapos nagawa niyang maalaala sa sandali ng pagkain niya, isinasakaibig-ibig na bumanggit siya at magsabi siya ng: "Bismi -llāhi awwalahu wa-ākhirah (Sa ngalan ni Allāh sa kauna-unahan nito at sa kahuli-hulihan nito)" batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag kakain ang isa sa inyo, banggitin niya ang pangalan ni Allāh; ngunit kung nakalimot siya na bumanggit kay Allāh sa kauna-unahan nito, magsabi siya ng: Bismi -llāhi awwalahu wa-ākhirah (Sa ngalan ni Allāh sa kauna-unahan nito at sa kahuli-hulihan nito)." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirdmidhīy.
