إعدادات العرض
Ang sinumang nagpakatuto ng isang kaalamang kabilang sa hinahangad dito ang kaluguran ng mukha ni Allah (aj) - na hindi pala nagpapakatuto nito kundi upang magkamit siya sa pamamagitan nito ng isang mahihita mula sa Mundo - hindi makaamoy ng samyo ng Paraiso sa Araw ng pagbangon
Ang sinumang nagpakatuto ng isang kaalamang kabilang sa hinahangad dito ang kaluguran ng mukha ni Allah (aj) - na hindi pala nagpapakatuto nito kundi upang magkamit siya sa pamamagitan nito ng isang mahihita mula sa Mundo - hindi makaamoy ng samyo ng Paraiso sa Araw ng pagbangon
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpakatuto ng isang kaalamang kabilang sa hinahangad dito ang kaluguran ng mukha ni Allah (aj) - na hindi pala nagpapakatuto nito kundi upang magkamit siya sa pamamagitan nito ng isang mahihita mula sa Mundo - hindi makaamoy ng samyo ng Paraiso sa Araw ng pagbangon." Tumutukoy siya sa halimuyak nito.}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Español Kurdî Tiếng Việt Magyar ქართული සිංහල Kiswahili Română অসমীয়া ไทย Hausa Português मराठी دری አማርኛ বাংলা ភាសាខ្មែរ Nederlands Македонски ગુજરાતી ਪੰਜਾਬੀالشرح
Naglinaw ang Propeta (s) na ang ang sinumang nagpakatuto ng kaalamang pangkapahayagan na ang orihinal na pakay rito ay ang pagkalugod ni Allah (t), na hindi nagpapakatuto nito upang magkamit at magtamo sa pamamagitan nito na isang parte at isang natatamasa mula sa Mundo na yaman o reputasyon, hindi siya makatatapo ng amoy ng Paraiso sa Araw ng Pagkabangon.فوائد الحديث
Ang pagkakinakailangan ng pagpapakawagas sa paghahanap ng kaalaman at ang paghimok doon.
Ang matinding pagbibigay-babala laban sa paggawa sa kaalamang pangkapahayagan bilang isang pagpapakitang-tao at isang kasangkapan para sa kamunduhan at na iyon ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
Na ang sinumang naghanap ng kaalaman alang-alang kay Allah (t) at dumating sa kanya ang [kapakinabangan sa] Mundo bilang kasunod niyon, pinpayagan sa kanya ang pagkuha niyon at hindi nakapipinsala sa kanya iyon.
Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya na: "samyo ng Paraiso", ang halimuyak, ay isang pagpapalabi sa pagkakait ng Paraiso dahil ang sinumang hindi makatatagpo ng amoy ng isang bagay ay hindi makapagtatamo nito.
Ang sinumang nagpakatuto ng isang kaalamang kabilang sa hinahangad dito ang kaluguran ng mukha ni Allah alang-alang sa empleyo o alang-alang sa mga iba pang pakay, tunay na kailangan sa kanya ang pagbabalik-loob kay Allah mula roon. Si Allah ay bubura sa kanya ng natamo mula sa tiwaling layunin. Si Allah ay may kabutihang-loob na dakila (zt).
Ang pagbibigay-babalang ito ay para sa tagahanap ng kaalamang pangkapahayagan. Hinggil naman sa sinumang naghanap ng kaalaman kabilang sa mga kaalaman ng Mundo alang-alang sa natatamasa sa Mundo gaya ng inhinyeriya, kemika, at iba pa sa mga ito alang-alang sa pakinabang sa Mundo, ukol sa kanya ang layunin niya.
