إعدادات العرض
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakapagdasal siya noon sa madaling-araw ay umuupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang maigi
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakapagdasal siya noon sa madaling-araw ay umuupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang maigi
Ayon kay Jābir bin Samurah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakapagdasal siya noon sa madaling-araw ay umuupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang maigi. Hindi siya noon tumatayo mula sa dasalan niya na pinagdasalan niya ng dasal sa madaling-araw o sa umaga hanggang sa sumikat ang araw. Kapag nakasikat ang araw, tumatayo siya at nag-uusap sila. Nagsisimula sila sa usapin ng Panahon ng Kamangmangan saka tumatawa sila at ngumingiti naman siya.}
الترجمة
العربية Português دری Македонски Magyar ქართული Tiếng Việt বাংলা Kurdî ไทย অসমীয়া Bahasa Indonesia Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Kiswahili Hausa ភាសាខ្មែរ Englishالشرح
Bahagi ng Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya, kapag nakapagdasal siya sa madaling-araw, ay umuupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang mataas. Hindi siya noon tumatayo mula sa dasalan niya na pinagdasalan niya ng dasal sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw. Kapag nakasikat ang araw, tumatayo siya at nag-uusap sila. Nagsisimula sila sa pagbanggit ng ilan sa usapin nila bago ng Islam habang siya naman ay nanahimik saka tumatawa sila at marahil ngumingiti naman siya kasama nila.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig sa pagsambit ng dhikr hanggang sa sumikat ang araw at pananatili sa inuupuan dito hanggat hindi nagkaroon ng maidadahilan sa pag-alis.
Ang paglilinaw sa taglay ng Propeta (s) na mararangal sa mga kaasalan at kabanayaran ng pagkatao yayamang nakikiupuan siya sa mga Kasamahan niya at nakikinig sa usapan nila at mga kuwentuhan nila at napapangiti sa mga ito.
Ang pagpayag sa pag-uusap at pagbanggit tungkol sa mga panahon ng Kamangmangan sa masjid.
Ang pagpayag sa pagtawa at pagngiti dahil ang ipinagbabawal ay dalas ng pagtawa.
