26- Ayon kay Abe Hurayrah.Nagsabi siya:Nagpadala ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Kabayo sa mga Najd,Dumating ito sakay ng isang lalaking nagmula sa Tribo ng Hanifah na ang tinatawag sa kanya ay Thumamah bin `Uthal,ang pinuno ng Tribo ng Al-Yamamah,itinali nila ito sa haligi mula sa mga haligi ng Masjid,Lumabas sa kanya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?))Nagsabi siya: Mayroon ako O Muhammad,Kabutihan,Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,at kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka, ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka ay mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Iniwan siya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-hanggang sa paglipas ng isang araw,Nagsabi siya: ((Ano ang nangyari sa iyo o Thumamah?Nagsabi siya: Walang mayroon sa akin maliban sa tulad ng sinabi ko sa iyo, kapag nakitungo ka ng maganda,nakitungo ka ng maganda sa taong mapagpasalamat,at Kung papatay ka,papatay ka (sa taong) may kadugo,At kapag inibig mo ay kayamanan,humiling ka at mapagbibigyan ka sa anumang naisin mo,Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Pakawalan niyo si Thumamah)),Humayo siya sa puno ng Palmera na malapit sa Masjid,at naligo siya,Pagkatapos ay pumasok siya sa Masjid at nagsabi siya: Ako ay sumasaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah,at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay alipin nito at Sugo nito; O Muhammad,Sumpa sa Allah,Wala sa ibabaw ng kalupaan,ang mukhang pinaka-mumunghi para sa akin maliban sa mukha mo,at tunay na ang pagmumukha mo ngayon ang pinaka-mamahal sa lahat ng mukha para sa akin,at walang ibang Reliyon ang pinakamumunghi para sa akin maliban sa iyong Relihiyon,at ngayon ay naging ang Relihiyon mo ang pinaka-mamahal sa lahat ng mga Relihiyon para sa akin,Sumpa kay Allah,Walang ibang Lugar ang pinaka-mumunghi para sa akin maliban saLugar mo,at ngayon naging ang Lugar mo,ang pinaka-mamahal sa lahat ng Lugar para sa akin,at tunay na ang kabayo mo ay kumuha sa akin,at gusto kong magsagawa ng Umrah,ano sa tingin mo?Ibinalita sa kanya (ang magandang balita) ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ipinag-utos nito sa kanya na magsagawa ng Umrah,At nang dumating siya sa Meccah,nagsabi sa kanya ang tagapag-salita: Natulad ka ba sa kanya,Nagsabi siya:Hindi,Ngunit yumakap ako (sa Islam) kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At Hindi,! Sumpa kay Allah,Hindi darating sa inyo mula sa Yamamah ang kahit isang butil ng trigo hanggang sa ito`y ipahintulot ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Saheh Muslim

28- Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi siya;Tinamaan si Saad sa araw ng Khandaq;tinamaan siya ng isang lalaki mula sa Quraysh,na tinatawag na Habban bin Al-`Araqah at siya ay si Habban bin Qays mula sa tribo ng Muays bin `Amer bin Luay,tinamaan niya ito sa hinlalaki,Gumawa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng tolda sa loob ng Masjid upang mabisita niya ito ng malapit.At nang bumalik ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Khandaq,inilagay niya ang armas niya at naligo siya,Dumating sa kanya si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-habang inaalis niya sa ulo niya ang mga alikabok,Nagsabi siya;Tunay na ibinaba mo ang armas;Sumpa kay Allah,huwag mo itong ibaba,Lumabas ka sa kanila,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Saan?Nagpahiwatig siya sa mga Tribo ng Qurayza" Dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba niya sa kanila ang hatol nila,Ipinagkatiwala niya ang hatol kay Saad;Nagsabi siya: Tunay na ihahatol ko sa kanila; Na Patayin ang lahat ng nakipaglaban,at bihagin ang mga kababaihan at mga kabataan,at Paghatian ang mga kayamanan nila,Nagsabi si Hisham;Ipinahayag sa akin ng Ama ko,buhat kay `Aishah; na si Saad ay nagsabi; O Allah,Tunay na alam Mo na wala ng iba na kaibig-ibig sa akin,maliban sa pakikipaglaban ko sa landas Mo,mula sa mga Taong nagpasinungaling sa Sugo Mo,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagtakwil sa kanya,O Allah,Katotohanang iniisip ko na tinapos Mo na ang paglalaban sa pagitan namin at pagitan nila,Kung mayroon pang natitirang pakikipaglaban sa mga Quraysh,ipagpanatili Mo ako rito,upang makipaglaban ako sa kanila,para sa Iyo,at kung itinigil Mona ang pakikipaglaban,Pasabugin ito at Gawin Mo ang kamatayan ko rito,sumabog siya dahil sa kapasiyahan niya at hindi na nila ito naalagaan,at sa loob ng Masjid ay may tolda mula sa Tribo ng Gafar,(wala silang nakita) maliban sa maraming dugong dumadaloy sa kanila;Nagsabi sila: O mga taong naninirahan sa tolda,Ano itong dumating sa amin mula sa una sa inyo?Kung-kaya`t si Saad,ay pumapatak sa sugat niya ang dugo,hanggang sa pumanaw siya rito-malugod si Allah sa kanya-Saheh Al-Bukharie