إعدادات العرض
Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa…
Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}
Ayon kay Abū Ḥumayd o ayon kay Abū Usayd na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली മലയാളം తెలుగు Bosanski Italiano ಕನ್ನಡ Kurdî Oromoo Română Soomaali Shqip Српски Українська Wolofالشرح
Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya sa panalangin na sinasabi sa sandali ng pagpasok sa masjid: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kaya naman hihiling siya kay Allāh na maglaan para sa kanya ng mga kadahilanan ng awa Nito. Kapag naman nagnais siyang lumabas, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo). Kaya naman hihiling siya kay Allāh ng kabutihang-loob Nito at dagdag sa paggawa Nito ng maganda sa kanya na panustos na ipinahihintulot.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito sa sandali ng pagpasok sa masjid at paglabas mula roon.
Ang pagtatangi ng pagbanggit ng awa sa pagpasok at ng kabutihang-loob sa paglabas ay dahil sa ang pumapasok ay nagpakaabala sa nagpapalapit sa kanya kay Allāh at sa Paraiso Nito kaya nababagay na banggitin niya ang awa. Kapag naman lumabas siya, magpupunyagi siya lupa sa paghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh na panustos kaya nababagay na banggitin niya ang kabutihang-loob.
Ang mga dhikr na ito ay sinasabi sa sandali ng pagnanais ng pagpasok sa masjid at sa sandali ng pagnanais ng paglabas mula roon.