Ang sinumang nagdasal ng salah natin, humarap sa qiblah natin, at kumain ng katay natin, iyon ang Muslim na ukol sa kanya ang pangangalaga ni Allāh at ang pangangalaga ng Sugo Niya. Kaya huwag kayong magtraidor sa pangangalaga Niya."}

Ang sinumang nagdasal ng salah natin, humarap sa qiblah natin, at kumain ng katay natin, iyon ang Muslim na ukol sa kanya ang pangangalaga ni Allāh at ang pangangalaga ng Sugo Niya. Kaya huwag kayong magtraidor sa pangangalaga Niya."}

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal ng salah natin, humarap sa qiblah natin, at kumain ng katay natin, iyon ang Muslim na ukol sa kanya ang pangangalaga ni Allāh at ang pangangalaga ng Sugo Niya. Kaya huwag kayong magtraidor sa pangangalaga Niya."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang sumusunod sa mga hayagang gawaing pagsamba ng Relihiyong Islām - nagdarasal siya ng tulad ng ṣalāh natin, humaharap siya sa qiblah natin, at kumakain siya ng katay natin habang naniniwala sa pagkapahintulot nito - iyon ang Muslim na may pagtitiwala at kasunduan ni Allāh at ng Sugo Nito kaya huwag silang sumira sa pagtitiwala at kasunduan ni Allah dito.

فوائد الحديث

Nagsabi si Ibnu Rajab: Nagpatunay ang ḥadīth na ito na ang buhay ay hindi naisasanggalang dahil sa payak na pagsambit ng Shahādatān (Dalawang Pagsaksi) hanggang sa maisagawa ang mga karapatan ng dalawang ito. Ang pinakabinibigyang-diin sa mga karapatan ng dalawang ito ay ang pagsasagawa ng ṣalāh. Dahil doon, itinangi ito sa pagbanggit. Sa iba pang ḥadīth, iniugnay sa ṣalāh ang zakāh.

Ang mga nauukol sa mga tao ay hinuhusgahan ayon sa nakalantad hindi sa nakakubli. Kaya ang sinumang naglantad ng mga gawaing pagsamba ng Islām, ipatutupad sa kanya ang mga patakaran ng mga alagad ng Islām hanggat hindi nalantad mula sa kanya ang kasalungatan niyon.

Nagsabi si Ibnu Rajab: Ang pagbanggit sa pagharap sa qiblah ay isang pahiwatig sa walang pagkaiwas sa pagsasagawa ng ṣalāh ng mga Muslim na isinasabatas sa Aklat nilang pinababa sa Propeta nila – ang pagsasagawa ng ṣalāh paharap sa Ka`bah – at kung hindi naman, ang sinumang nagsagawa ng ṣalāh paharap sa Jerusalem matapos ng pagkapawalang-bisa nito gaya ng mga Hudyo o paharap sa silangan gaya ng [ibang] mga Kristiyano, siya ay hindi isang Muslim, kahit pa man sumaksi siya ng pagsaksi sa Tawḥīd.

May nasaad dito na isang patunay sa kadakilaan ng katayuan ng pagharap sa qiblah sa pagsasagawa ng ṣalāh sapagkat tunay na hindi bumanggit mula sa mga kundisyon ng ṣalāh ng iba pa rito, gaya ng kadalisayan at iba pa.

Nagsabi si Ibnu Rajab: Ang pagbanggit niya ng pagkain ng katay ng mga Muslim ay may nasaad dito na isang pahiwatig na walang pagkaiwas sa pagsunod sa lahat ng mga nakalantad na batas ng Islām. Kabilang sa pinakadakila sa mga ito ang pagkain ng katay ng mga Muslim at ang pakikipagsang-ayon sa kanila sa pagkatay nila. Kaya naman ang sinumang nagpigil doon, siya ay hindi isang Muslim.

التصنيفات

Ang Islām, Ang mga Kahatulan Hinggil sa mga Kinatay ng mga Kāfir, Ang Pagkatungkulin ng Ṣalāh ang Hatol sa Nagwawaksi Nito