Tunay na magkakaroon ng mga pinuno na magsisinungaling at lalabag sa katarungan. Ang sinumang naniniwala sa kanila sa kasinungalingan nila at tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, siya ay hindi bahagi ko at ako ay hindi bahagi niya,

Tunay na magkakaroon ng mga pinuno na magsisinungaling at lalabag sa katarungan. Ang sinumang naniniwala sa kanila sa kasinungalingan nila at tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, siya ay hindi bahagi ko at ako ay hindi bahagi niya,

Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na magkakaroon ng mga pinuno na magsisinungaling at lalabag sa katarungan. Ang sinumang naniniwala sa kanila sa kasinungalingan nila at tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, siya ay hindi bahagi ko at ako ay hindi bahagi niya, at hindi siya pupunta sa akin sa Lawa ko." Ang sinumang hindi naniniwala sa kasinungalingan nila at hindi tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, siya ay bahagi ko at ako ay bahagi niya, at pupunta siya sa akin sa Lawa.}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may mangangasiwa sa mga tao matapos ng pagkamatay niya na mga pinuno na magsisinungaling sa pagsasalita sapagkat magsasabi sila ng hindi nila ginagawa at lalabag sa katarungan sa pamamahala. Ang sinumang pumasok sa kanila at naniniwala sa kanila sa kasinungalingan nila o tumutulong sa kanila sa paggawa ng kawalang-katarungan o pagsasabi nito gaya ng pagbibigay ng fatwā sa kanila bilang pagpapakalapit-loob sa kanila at bilang pag-asa ng taglay nila, siya ay walang-kaugnayan doon, iyon ay hindi bahagi niya, at siya ay hindi bahagi niyon. Hindi iyon pupunta sa kanya sa Lawa ng Kawthar sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang hindi pumasok sa kanila, hindi naniniwala sa kasinungalingan nila, at hindi tumutulong sa kanila sa kawalang-katarungan nila, iyon ay bahagi niya at siya ay bahagi niyon. Pupunta iyon sa kanya sa Lawa sa Araw ng Pagbangon.

فوائد الحديث

Ang mga hari, kapag nagpasok sa kanila ng pagpapanuto, paggabay, at pagpapagaan ng kasamaan, ito ay ang hinihiling. Hinggil naman sa kapag pumasok sa kanila upang tumulong sa kanila sa kawalang-katarungan at maniwala sa kanila sa kasinungalingan, ito ay ang pinupulaan.

Ang paglilinaw sa banta sa sinumang tumulong sa mga pinuno sa kawalang-katarungan nila.

Ang bantang ito sa ḥadīth ay nagpapatunay sa pagbabawal ng gawaing ito at na ito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.

Ang paghimok sa pakikipagtulungan sa pagsasamabuting-loob, pangingilag magkasala, at hindi pakikipagtulungan sa kasalanan at paglabag.

Ang pagpapatibay sa Lawa ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na ang Kalipunan niya ay pupunta roon.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pag-uutos ng Nakabubuti at ang Pagsaway sa Nakasasama, Ang Karapatan ng Pinuno sa Pinamumunuan