Ang sinumang tumalon mula sa isang bundok saka pumatay sa sarili niya, siya ay sa apoy ng Jahannam tatalon doon samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman

Ang sinumang tumalon mula sa isang bundok saka pumatay sa sarili niya, siya ay sa apoy ng Jahannam tatalon doon samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang tumalon mula sa isang bundok saka pumatay sa sarili niya, siya ay sa apoy ng Jahannam tatalon doon samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang humigop ng isang lason saka pumatay sa sarili niya, ang lason niya sa kamay niya ay hihigupin niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang pumatay ng sarili niya sa pamamagitan ng isang pirasong bakal, ang pirasong bakal niya sa kamay niya ay ipansasaksak niya sa tiyan niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nanadya ng pagpatay sa sarili niya sa Mundo sapagkat tunay na siya ay parurusahan sa Araw ng Pagbangon sa apoy ng Jahannam sa pamamagitan ng mismong pamamaraan na ginawa niya sa sarili niya sa Mundo bilang ganting karampatan. Kaya ang sinumang nagpabagsak ng sarili niya mula sa ibabaw ng isang burol saka pumatay nito, siya ay sa apoy ng Jahannam babagsak doon mula sa mga burol ng Jahannam papunta sa mga lambak nito samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang lumagok ng isang lason saka pumatay ng sarili niya sa pamamagitan nito, ang lason niya sa kamay niya ay lalaguk-lagukin niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang tumaga ng sarili niya, sa pamamagitan ng isang pirasong bakal, sa tiyan niya saka pumatay nito, ang pirasong bakal niya sa kamay niya ay ipantutusok niya sa tiyan niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman.

فوائد الحديث

Ang pagbabawal ng pagpatay ng tao sa sarili niya at na ito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala na magiging karapat-dapat dito ang masakit na pagdurusa.

Ang binanggit niya sa ḥadīth ay isang paglalahad ng paghahalintulad para sa ilan sa mga uri ng pagkitil ng sarili at kung hindi naman, sa alinmang pamamaraang pumatay ito, parurusahan siya ng tulad ng ginawa niya sa sarili niya. Nasaad nga sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang nagbigti ng sarili niya, bibigtiin niya ito sa Impiyerno; at ang sumaksak nito, sasaksakin niya ito sa Impiyerno."

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Hinggil naman sa sabi niya (s): "siya ay sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman," sinabi: May nasaad dito na mga sabi, na ang isa sa mga ito ay na ito ay pumapatungkol sa sinumang gumawa niyon habang nagsasapahintulot sa kabila ng kaalaman niya sa pagbabawal, ito ay tagatangging sumampalataya at ito ay ang kaparusahan niya. Ikalawa. Na ang tinutukoy ng pagpapamalagi ay ang kahabaan ng yugto samantalang ang pananatiling nagtatagalan ay reyalidad ng pamamalagi gaya ng sinasabi: "Nagpamalagi si Allah sa paghahari ng sultan." Ikatlo. Na ito ang ganti sa kanya subalit nagparangal si Allah (zt) kaya nagpabatid Siya na hindi mamamalagi sa Impiyerno ang sinumang namatay habang Muslim.

Ito ay bilang bahagi ng pakikipagkauri ng mga kaparusahang pangkabilang-buhay para sa mga krimeng pangmundo. Mahihinuha mula rito na ang krimen ng tao sa sarili niya ay gaya ng krimen niya sa iba sa kanya sa kasalanan dahil ang sarili ay hindi isang pag-aari para sa kanya nang walang-takda; bagkus ito ay kay Allāh (napakataas Siya) kaya namamatnugot dito maliban ng ipinahintulot sa kanya rito.

التصنيفات

Ang mga Mabigat na Krimen, Ang Pagpula sa mga Pagsuway