Katotohanan na lalabas mula sa mga supling na ito ang grupo ng taong magbabasa ng Qur-an na napakadali,hindi nahihirapan ang mga lalamunan nila,bibitaw sila sa relihiyon tulad ng pagbibitaw ng palaso mula sa pana.at inakala ko na sinabi niya: Kapag inabutan ko sila ay lilipunin ko sila tulad ng…

Katotohanan na lalabas mula sa mga supling na ito ang grupo ng taong magbabasa ng Qur-an na napakadali,hindi nahihirapan ang mga lalamunan nila,bibitaw sila sa relihiyon tulad ng pagbibitaw ng palaso mula sa pana.at inakala ko na sinabi niya: Kapag inabutan ko sila ay lilipunin ko sila tulad ng paglipon sa Thamūd

Ayon kay Abe Saēd Al Khudriē-malugod si Allah sa kanya-sinabi niya: Nagpadala si Alī bin Abe Tālib malugod si Allah sa kanya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan mula sa Yemen ng pirasong Ginto na gawa sa balat na kahoy,na hindi pa nahiwalay sa lupa nito,Sinabi niya: Hinati niya ito sa pagitan ng apat na tao: Sa pagitan nina:Ūyaynah bin Badr, Aqrâ bin Hābis,Zaid AlKhayl,at ang Ika-apat:Alinman kay Ālqamah o Di kaya'y ni Āmer bin Attufayl. Ang sabi ng isang lalaki mula sa kasamahan niya:Kami ay mas karapat-dapat sa kanila,Sinabi niya: napag-alaman ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kayat nagsabi siya;((Hindi ba ninyo ako pinagkakatiwalaan kahit na ako ay pinagkatiwalaan nang nasa langit,Dumarating sa akin ang mga balita mula sa kalangitan sa umaga at gabi))Sinabi niya: Tumindig ang isang lalaki na ang dalawang mata nito ay nasa gilid nito,kitang-kita ang dalawang pisngi nito,may mataas na noo,marami ang balbas,inahit ang ulo,naitaas ang pananamit(mula sa bukong-bukong ng paa),nagsabi siya: O Sugo ni Allah,Matakot ka kay Allah,Ang sabi niya: ((Ang kapahamakan ay mapasa-iyo, Hindi ba't ako ay mas karapat-dapat sa sang-katauhan na matakot kay Allah)) Sinabi niya; Pagkatapos ay umalis ang lalaki,Sinabi ni Khālid bin Walēd;O Sugo ni Allah, Hindi ko ba siya pupugutan ng ulo? Ang sabi niya;((Huwag,marahil siya ay nagdarasal))Nagsabi si Khalid:((At iilan din ang nagdarasal na ang sinasabi ng dila nito ay wala sa puso nito)) Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ako ay hindi napag-utusan sa pagtiktik sa mga puso ng tao at hindi ko nakikita ang mga lingid nila)) Sinabi niya;Pagkatapos ay pinagmasdan niya ito habang papa-alis;at nagsabi siya;((Katotohanan na lalabas mula sa mga supling na ito ang grupo ng mga taong magbabasa ng Qur-an nang napakadali,hindi nahihirapan ang mga lalamunan nila,bibitaw sila sa relihiyon tulad ng pagbibitaw ng palaso mula sa pana)) at inakala ko na sinabi niya: Kapag inabutan ko sila ay lilipunin ko sila tulad ng paglipon sa Thamūd))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinadala ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Alī bin Abe Tālib sa Yemen,upang mag-aanyaya para kay Allah-Pagkataas-taas Niya-At iiponin niya ang mga Zakat mula sa may-ari nito,at humatol sa mga pagtatalo,at ito ay nangyari bago Ang Hajj na pamama-alam, pagkatapos ay tunay na si Alī ay bumalik mula sa Yemen,at nakipagkita siya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Meccah,sa Hajj na pamama-alam. At tunay na siya ay nagpadala ng piraso ng ginto na hindi pa nakahiwalay ang lupa rito.Kaya't hindi ito purong ginto,dahil ito ay may halong lupa,Hinati ito ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagitan nilang apat na nabanggit, bilang paki-usap sa pagyakap nila ng Islam,at sila ay mga pinuno ng mga tribo nila,at kapag yumakap sila sa Islam,yayakap din ang karamihan bilang pagsunod sa kanila,at dahil dito ay binigyan sila ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng kayamanan,bilang paghimuk sa kanila sa pagyakap sa Islam,at bilang paglalapit ng mga puso nila sa kanya,at sinuman sa kanila ang naging Muslim ay Binibigyan nito,upang maging malakas ang pananampalataya nito at mapagtibay ito,At ang kapiraso ng gintong ito ay mula sa ika-limang bahagi,at inilalayo ng ng mga taong may kaalaman na ito ay mula sa Nadambong,at maaring ito ay Zakāt.At nang mabigyan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-silang apat na nabanggit ,ay tumayo ang isang lalaki mula sa mga Muslim,at nagsabi ito: Kami ay mas karapat-dapat na mabigyan sa yaman na ito,kaysa sa kanilang apat?Napag-alaman ito ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay nagsabi:(( Hindi ba ninyo ako pinagkaka-tiwalaan kahit na ako ay pinagkatiwalaan nang nasa ng langit,Dumarating sa akin ang mga balita mula sa kalangitan sa umaga at gabi)) Ibig sabihin ay: Pinagkatiwalaan ako ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa mga mensahe na ipinadala Niya sa akin sa lupa,ngunit ikaw ay hindi nagtitiwala sa akin,O ikaw na Tumututol,at sino ang pinaghihinalaan mo mula sa sinumang naligaw sa matuwid na landas,Hindi ba ninyo ako pinagkakatiwalaan sa makamundong bagay na ilalagay ko ito sa nararapat nitong kalagyan,alinsunod ayon sa kautusan ni Allah-pagkataas-taas Niya-At ang sinabi niya na;(( Nasa itaas ng langit)) mula sa patunay na pagtaas ni Allah-pagkataas-taas Niya- sa mga alipin Niya,at Ang kahulugan nito: Si Allah na nasa itaas ng Langit, at ang "Sa" rito ang kahulugan ay " sa itaas" dahil ang mga arabo ay ginagamit ang "Sa" sa gamit ng "nasa itaas",Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya-{Kaya't magsipaglakbay kayo sa kalupaan}at Sinabi rin Niya: {Katotohanang aking ibabayubay kayo sa mga puno ng palmera}at Ang kahilugan ay;Sa ibabaw ng kalupaan,at sa itaas ng mga puno ng Palmera,Gayundin ang pagsabi niya na ((Sa Langit)) ibig sabihin ay; Sa Arash,sa itaas ng kalangitan,At ang Hadith na ito ay tulad ng pagkasabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: {Kayo baga ay nakadarama ng kapanatagan na Siya sa kalangitan ay hindi magpapapangyari sa kalupaan ng lagumin kayo at kapagkaraka ito ay gumiray (mayanig sa paglindol)}[16],{ O kayo baga ay nakadarama ng kapanatagan na Siya sa kalangitan ay hindi magpaparating laban sa inyo ng isang bagyo ng mga bato,at inyong mapag-alaman kung gaano kasindak-sindak ang Aking babala}At habang sila ay ganoon, tumindig ang isang lalaki at mula sa katangian nito,ang dalawang mata nito ay sa loob na nakapalibot nito sa ilalim ng mata,at may dalawang pisngi ng kitang-kita,may mataas na noo,may malaking balbas,ang ulo niya ay naahit,ang damit niya ay mataas,Mas mataas sa dalawang bukong-bukong ng paa.Ang sabi niya sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Matakot ka Kay Allah)).Ang sabi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang kapahamakan ay mapa sa iyo, Hindi ba't ako ay mas karapat-dapat sa sang -katauhan na matakot Kay Allah))ibig sabihin: Na Siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Mas karapat-dapat sa mga tao at una sa kanila sa pananampalataya kay Allah-pagkataas-taas Niya-at Pagkatakot sa Kanya,At kabilang sa malinaw na pagkaligaw,ang pag-aakala ng tao sa pananampalataya,na ito ay kasalanan,Ang lalaki na ito na mapagtutol,inakala niya na ang ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kasalanan,at ito ay hindi makatarungan,kaya't binansagan niya ang sarili nito,na nag-uutos ng pagkatakot kay Allah,Ang sabi niya sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan(Matakot ka Kay Allah),kahit na ang ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay kabilang sa pagkatakot kay Allah,at kabilang sa pinakamalaking pananampalataya,Nagbigay siya para kay Allah, at upang matulungan ang relihiyon Niya,at mapatnubayan ang lingkod Niya." at nang umalis ang lalaki,ah nagsabi si Khālid bin Walēd,O Sugo ni Allah;hayaan mo akong patayin ko siya,Ang sabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Huwag ,marahil siya ay nagdarasal)) Nagsabi si Khalid;(( At iilan din Ang nagdadasal na ang sinasabi ng dila nito ang wala sa puso nito)).Ang sabi ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ako ay hindi napag-utusan sa pagtiktik sa mga puso ng tao at hindi ko nakikita ang mga lingid nila)) ibig sabihin ay:Tunay na pakikisalamuhan ko lamang ang mga tao, ayon sa nakikita ko sa kanila,at ipapaubaya ko ang mga lingid nila Kay Allah na Siya ang Mas nakaka-alam rito,Hahatulan sila ni Allah rito Napakamaluwalhati Niya,at sa isang sanaysay,tunay na ang tagapagsalita ay si Umar bin Alkhattāb malugod si Allah sa kanya.Pagkatapos ay pinagmasdan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan Ang lalaki ng ito, habang ito ay papaalis at nagsabi siya:((Katotohanan na lalabas mula sa mga supling na ito ang grupo ng taong magbabasa ng Qur-an na napakadali,hindi nahihirapan ang mga lalamunan nila,bibitaw sila sa relihiyon tulad ng pagbitaw ng palaso mula sa pana at kapag inabutan ko sila ay liliponin ko sila tulad nang paglipon sa Thamūd)) At ang nais ipahiwatig nito ay ;Ang pagbabalita na tunay na darating mula sa angkan ng lalaking ito ang mga nangaligaw ng landas,mga tao na uugaliin ang pag-uugali niya,Babasahin nila ang Qur-an na napakadali dahil sa maraming beses nilang pagbabasa rito at pagsa-ulo rito,subalit hindi ito tumatagos sa kanilang mga puso,kung-Kaya't hindi nila ito lubos na maunawaan sa nais ko ditong ipahayag,datapuwat inilalagay pa nila ito sa hindi nito dapat kalagyan,Dahil sila ay nangaligaw at mga mang-mang,kung-kaya't, lalabas sila sa Relihiyong Islam na paka-bilis at napakagaan,na hindi man lang sila maapektohan,na para bang hindi sila yumakap rito,at ito ay patunay na sila ay yumakap sa Islam ,ngunit hindi nanatili ang pananampalataya sa kanilang mga puso,at hindi nila ito lubos na naunawaan,kung -kaya't kabilang sa mga paglalarawan sa kanila;Na sila ay pumapatay sa mga taong Muslim,nag-aanyaya sa mga hindi mananampalataya na sumasamba sa mga idolo o rebulto,at dahil dito,Sinabi niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((kapag inabutan ko sila,liliponin ko sila tulad ng paglipon sa Thamūd))ibig sabihin ay ; papatayin ko sila nang matinding kamatayan at wala akong ititira sa kanila kahit na isa

التصنيفات

Ang mga Sekta at ang mga Denominasyong Matanda ang Pagkabuo