إعدادات العرض
Gumawa kayo mula sa gawain ng makakayanan ninyo; sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi magsasawa si Allāh hanggang sa magsawa kayo."}
Gumawa kayo mula sa gawain ng makakayanan ninyo; sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi magsasawa si Allāh hanggang sa magsawa kayo."}
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na maybahay ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): {Si Al-Ḥawlā' bint Tuwayt bin Ḥabīb bin Asad bin `Abdil`uzzā ay naparaan sa kanya samantalang nasa piling niya ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ako: "Ito ay si Al-Ḥawlā' bint Tuwayt. Nag-akala sila na siya ay hindi natutulog sa gabi." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi siya natutulog sa gabi! Gumawa kayo mula sa gawain ng makakayanan ninyo; sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi magsasawa si Allāh hanggang sa magsawa kayo."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Tiếng Việt Magyar ქართული සිංහල Kiswahili Română অসমীয়া ไทย Português मराठी دری አማርኛ ភាសាខ្មែរ Nederlands ગુજરાતી Македонски ਪੰਜਾਬੀالشرح
Minsang nasa piling ng Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) si Al-Ḥawlā' bint Tuwayt (malugod si Allāh dito) saka lumabas ito mula kanya kasabay ng pagpasok ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi si `Ā'ishah sa kanya: "Ang babaing ito ay hindi natutulog bagkus nagpupuyat siya pagdarasal." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagmamasama sa pagpapahirap nito sa sarili nito: "Hindi siya natutulog sa gabi! Magpakaabala kayo ng maayos na gawain na makakaya ninyo ang pagpapamalagi roon; sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi magsasawa si Allāh sa pagbibigay sa mga lingkod Niyang mga maayos, na mga tagatalima, ng gantimpala at ganti sa mga pagtalima nila, mga magandang gawa nila, at mga maayos na gawa nila hanggang sa magsawa sila at mag-iwan sila ng gawain."فوائد الحديث
Ang pagpaparami ng pagsamba higit sa nakakayanan ng katawan ay humahantong sa pagkasawa at kawalang-gana kaya magwawaksi nito ang sarili.
Ang pagkakatamtaman at ang pagkabalanse sa pagganap ng pagsamba ay pang-ayaya sa pagpapatuloy rito at pagpapakatatag dito.
Ang kaunting palagiang gawain ay higit na mabuti kaysa maraming paputul-putol.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: X
التصنيفات
Ang mga Karapatan ng Tao sa Islām