Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking nakasaksi sa labanan sa Badr at Al-Ḥudaybīyah."}

Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking nakasaksi sa labanan sa Badr at Al-Ḥudaybīyah."}

Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking nakasaksi sa labanan sa Badr at Al-Ḥudaybīyah."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi papasok sa Impiyerno ang sinumang nakadalo sa paglusob sa Badr na naganap noong ikalawang taon ng Hijrah bilang nakikipaglaban kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni ang sinumang nakadalo sa kasunduang pangkapayapaan sa Al-Ḥudaybīyah, na naganap dito ang pangako ng katapatan ng Ar-Riḍwān noong ikaanim na taon ng Hijrah.

فوائد الحديث

Nasaad dito ang kainaman ng mga nakadalo sa Badr at Al-Ḥudaybīyah at na sila ay hindi papasok sa Impiyerno.

Ang paglilinaw na si Allāh (napakataas Siya) ay naggarantiya ng pagpapalayo sa kanila ng mga kawalang-katarungan, nagtutuon sa kanila sa kamatayan sa pananampalataya, magpapasok sa kanila sa Paraiso nang walang pagkauna ng pagdurusa sa Impiyerno. Iyon ay kabutihang-loob ni Allāh, na ibinibigay Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng mga Kasamahan ng Propeta - malugod si Allāh sa Kanila, Ang mga Antas ng mga Kasamahan ng Propeta - malugod si Allāh sa Kanila, Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila