Tunay na ukol sa iyo ang inasahan mo.

Tunay na ukol sa iyo ang inasahan mo.

Ayon kay Ubayy bin Ka`b, malugod si Allāh sa kanya: May isang lalaki noon na wala akong nalalamang isa na higit na malayo sa masjid kaysa sa kanya. Siya noon ay hindi nakaliligta ng isang dasal kaya sinabi sa kanya: "Kung sakaling bumili ka ng isang asno upang sakyan iyon sa mga gabing madilim at mga araw na mainit." Nagsabi siya: "Hindi ako natutuwa na ang tahanan ko ay nasa tabi ng masjid; tunay na ako ay nagnanais na itala para sa akin ang paglalakad ko patungo sa masjid at ang pagbabalik ko kapag bumalik ako sa mag-anak ko." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tinipon nga ni Allāh para sa iyon ang lahat ng iyon."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang pagpunta sa mga masjid at gayon din ang pag-uwi mula sa mga iyon kapag umasa ang tao doon kay Allāh, pagkataas-taas Niya, gagantimpalaan siya dahil doon. Ang ḥadīth na ito na binanggit ng may-akda, kaawaan siya ni Allāh, hinggil sa kuwento ng taong may bahay na malayo sa masjid at pumupunta siya sa masjid mula sa bahay niya sa malayo, habang umaasa sa gantimpala ni Allāh: pumupunta sa masjid at umuuwi mula roon. Kaya nagsabi sa kanya ang mga tao: "Kung sakaling bumili ka ng isang asnong sakyan iyon sa mga gabing madilim at mga araw na mainit." Nangangahulugan ito: sa gabi kapag madilim sa pagdarasal sa gabi at pagdarasal sa madaling-araw, o sa mga araw na mainit: sa mga araw ng matinding init, lalo na sa Ḥijāz sapagkat ang klima nito ay mainit. (Ang Ḥijāz ay ang kanlurang bahagi ng Saudi Arabia sa ngayon na kinaroonan ng mga lungsod ng Makkah, Madīna, at Jeddah). Nagsabi siya, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi ako natutuwa na ang tahanan ko ay nasa tabi ng masjid". Nangangahulugan ito: na siya ay natutuwa na ang bahay niya ay malayo sa masjid, na pumupunta siya sa masjid na naglalakad at umuuwi siya na naglalakad; na siya ay hindi natutuwang ang bahay niya ay maging malapit sa masjid dahil kung sakaling malapit ay hindi itatala para sa kanya ang paglalakad na iyon; nilinaw niya na siya ay umaasa na ang kabayaran niyon ay nasa kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, habang pumupunta sa masjid at umuuwi mula roon. Nagsabi rito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tinipon nga ni Allāh para sa iyon ang lahat ng iyon." Ang kahulugan: na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay magsasakatuparan sa hinahangad niya na pagtatala ng pagpunta niya at pag-uwi niya. Sa isang pananalita: "Tunay na ukol sa iyo ang inasahan mo."

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Islām at ang mga Kagandahan Nito