إعدادات العرض
Nakatagpo ko si Abraham sa gabi ng pagpapalakbay sa akin [sa langit] saka nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig,
Nakatagpo ko si Abraham sa gabi ng pagpapalakbay sa akin [sa langit] saka nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig,
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakatagpo ko si Abraham sa gabi ng pagpapalakbay sa akin [sa langit] saka nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ito ay malalawak na kapatagan, na ang mga tanim nito ay Subḥāna -llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa -llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)"}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt پښتو ગુજરાતી Română മലയാളം नेपाली Deutsch Кыргызча తెలుగు ქართული Moore Magyar Svenska Македонски ಕನ್ನಡ Українська Kinyarwanda Oromoo ไทย Lietuvių Српски मराठी Wolof ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (s) na siya ay nakatagpo kay Abraham na matalik na kaibigan ni Allah (sumakanya ang pangangalaga) sa gabi ng pagpapalakbay at pag-akyat [sa langit] saka nagsabi ito: "O Muḥammad, ipaabot mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipaalam mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig na walang kaalatan dito, na ang Paraiso ay malawak na kapatagang walang mga puno, na ang mga tanim nito ay ang mga kaaya-ayang pangungusap, na mga maayos na matitira: Subḥāna -llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa -llāhu, at Allāhu akbar (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila). Sa tuwing nagsabi ng mga ito ang Muslim at nag-ulit-ulit siya ng mga ito, may itatanim para sa kanya na isang tanim sa Paraiso."فوائد الحديث
Ang paghimok sa pagpapamalagi sa pagsambit ng dhikr para sa pagpaparami ng tanim sa Paraiso.
Ang kainaman ng Kalipunan ng Islam yayamang nagpaabot dito ng pagbati si Abraham (sumakanya ang basbas at ang pagbati).
Ang pagpapaibig ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga) sa Kalipunan ni Propeta Muhammad (s) sa pagpaparami ng pagsambit ng dhikr kay Allah (t).
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Ang Paraiso ay malalawak na kapatagan. Pagkatapos tunay na si Allah (t) ay nagpairal doon, dahil sa kabutihang-loob Niya, ng mga punong-kahoy at mga palasyo alinsunod sa mga gawa ng mga tagagawa. Ang bawat tagagawa ay may natatangi sa kanya dahilan sa gawa niya. Pagkatapos tunay na Siya (t), yayamang nagpadali Siya para sa sinumang nilikha para rito ng gawain upang magkamit ito dahil doon ng gantimpala, nagturing dito gaya ng tagatanim ng mga punong-kahoy na iyon.
التصنيفات
Ang mga Kainaman ng Dhikr