Tunay na ang paghahalintulad sa ipinadala sa akin ni Allāh na patnubay at kaalaman ay kahalintulad ng isang ulang dumapo sa isang lupain. Mayroon ditong isang mabuting bahaging tumanggap sa tubig kaya nagpatubo ng damo at halamang marami. Mayroon ditong mga matigas [na bahagi] na pumigil sa tubig…

Tunay na ang paghahalintulad sa ipinadala sa akin ni Allāh na patnubay at kaalaman ay kahalintulad ng isang ulang dumapo sa isang lupain. Mayroon ditong isang mabuting bahaging tumanggap sa tubig kaya nagpatubo ng damo at halamang marami. Mayroon ditong mga matigas [na bahagi] na pumigil sa tubig kaya nakinabang sa mga ito ang mga tao: uminom sila mula sa mga ito, nagpainom sila, at nagsaka sila.

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ang paghahalintulad sa ipinadala sa akin ni Allāh na patnubay at kaalaman ay kahalintulad ng isang ulang dumapo sa isang lupain. Mayroon ditong isang mabuting bahaging tumanggap sa tubig kaya nagpatubo ng damo at halamang marami. Mayroon ditong mga matigas [na bahagi] na pumigil sa tubig kaya nakinabang sa mga ito ang mga tao: uminom sila mula sa mga ito, nagpainom sila, at nagsaka sila. Dumapo iyon sa ibang bahagi mula rito, na mga kapatagan lamang na hindi pumipigil sa tubig at hindi nagpapatubo ng damo. Iyon ay paghahalintulad sa [una:] sinumang nakaunawa sa Relihiyon ni Allāh at nagpakinabang sa kanya ng ipinadala sa akin ni Allāh; at [sa ikalawa:] nakaalam siya at nagturo siya. Ang paghahalintulad [sa ikatlo] ay ang sinumang hindi nag-angat doon ng ulo at hindi tumanggap sa patnubay ni Allāh na ipinasugo sa akin."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang paghahalintulad sa ipinadala sa akin ni Allāh na patnubay at kaalaman ay kahalintulad ng isang ulang dumapo sa isang lupain." Iwinangis ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang sinumang nakikinabang sa kaalaman at patnubay na ito, na iwinangis sa ulan, sa pagkawangis sa lupa. Ang lupang ito ay tatlong bahagi: isang mabuting lupang tumanggap sa ulan at nagpatubo sa maraming halaman at pananim kaya nakikinabang ang mga tao rito; isang lupang hindi nagpapatubo subalit pumigil sa tubig kaya nakikinabang ang mga tao rito, uminom sila mula rito, napapawi ang uhaw nila, at nagsasaka sila; at isang lupang hindi pumipigil sa tubig at hindi nagpapatubo ng anuman. Ganyan ang tao sa paghahambing sa ipinadala ni Allāh sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kaalaman at patnubay. Mayroon sa kanilang nakaunawa sa Relihiyon ni Allāh kaya nakaalam at nagturo. Nakinabang ang mga tao sa kaalaman niya at nakinabang siya mismo sa kaalaman niya. Ang ikalawang pangkat ay mga taong nagdala ng patnubay subalit hindi sila nakaunawa sa patnubay ng anuman. Nangangahulugang sila ay mga mananaysay ng kaalaman at ḥadīth subalit wala silang pagkaunawa. Ang ikatlong pangkat ay ang sinumang hindi nag-angat ng ulo sa inihatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kaalaman at patnubay, umayaw rito, at hindi ito pinansin. Kaya ito ay hindi nakinabang sa inihatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at hindi nagpakinabang sa iba sa kanya.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Kaalaman