{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}

{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung huling araw ng Ramaḍān, ay nagpupuyat sa gabi sa kabuuan nito dahil sa paggawa ng mga uri ng mga pagtalima [kay Allāh], nanggigising ng mag-anak niya para magdasal, nagpapakasipag sa pagsamba bilang karagdagan sa nakahiratian niya, naglalaan ng sarili para rito, at umiiwas sa mga maybahay niya.

فوائد الحديث

Ang pagpapaibig sa pagsasamantala ng mga oras na nakalalamang sa pamamagitan ng mga gawang maayos.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Kaya nasaad sa ḥadīth na ito na isinakaibig-ibig na magdagdag sa mga pagsamba sa Huling Sampung Araw ng Ramaḍān at ang pagsasakaibig-ibig sa pagpupuyat sa mga gabi nito sa mga pagsamba.

Nararapat sa tao na maging masigasig sa pag-uutos sa mag-anak niya sa pagsamba at magpakamatiisin sa kanila.

Ang paggawa ng mga kabutihan ay nangangailangan ng katatagan, pagtitiis, at pakikipagtiisan.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nagkaiba-iba ang mga maalam hinggil sa kahulugan ng "naghihigpit ng tapis" sapagkat sinabing ito ay ang pagpapakasipag sa mga pagsamba bilang karagdagan sa nakahiratian niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) higit sa iba. Ang kahulugan nito ay ang paghahanda sa mga pagsamba. Ang sinasabi [sa kawikaang Arabe]: "Naghigpit ako sa gawaing ito ng tapis ko" ay nangangahulugang: "Nagpakahanda ako rito at naglalaan ng sarili." May sinabi ring ito ay isang pahiwatig ng pag-iwas sa mga maybahay dahil sa pagkaabala sa mga pagsamba.

التصنيفات

Ang Sampung Huling Araw ng Ramaḍān