Ang pang-ibabang kasuutan ng Muslim ay hanggang sa kalahati ng binti. Walang pagkaasiwa" – o "Walang maisisisi" – "sa pagitan nito at ng mga bukungbukong. Ang anumang higit na mababa kaysa sa mga bukungbukong, ito ay sa Impiyerno. Ang sinumang kumaladkad ng tapis niya dala ng kapalaluan, hindi…

Ang pang-ibabang kasuutan ng Muslim ay hanggang sa kalahati ng binti. Walang pagkaasiwa" – o "Walang maisisisi" – "sa pagitan nito at ng mga bukungbukong. Ang anumang higit na mababa kaysa sa mga bukungbukong, ito ay sa Impiyerno. Ang sinumang kumaladkad ng tapis niya dala ng kapalaluan, hindi titingin si Allāh sa kanya."}

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pang-ibabang kasuutan ng Muslim ay hanggang sa kalahati ng binti. Walang pagkaasiwa" – o "Walang maisisisi" – "sa pagitan nito at ng mga bukungbukong. Ang anumang higit na mababa kaysa sa mga bukungbukong, ito ay sa Impiyerno. Ang sinumang kumaladkad ng tapis niya dala ng kapalaluan, hindi titingin si Allāh sa kanya."}

[Tumpak]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lalaking Muslim sa pang-ibabang kasuutan niya – ang bawat anumang isinusuot sa kalahating pang-ibaba ng mga lalaki – ay may tatlong kalagayan: Una. Ang isinakaibig-ibig dahil sa pagiging hanggang sa kalahati ng binti. Ikalawa. Ang pinapayagan nang walang pagkasuklam: ang nasa ilalim niyon hanggang sa mga bukungbukong. Ikatlo. Ang ipinagbabawal dahil sa pagiging higit na mababa kaysa sa mga bukungbukong at kinatatakutan para sa kanya na humantong sa kanya ang Impiyerno. Kung ito ay naging pagpapakamalaki, pagkatuwa, at pagmamalabis, hindi titingin si Allāh sa kanya.

فوائد الحديث

Ang katangiang ito at ang banta ay natatangi sa mga lalaki. Hinggil naman sa mga babae, ibinubukod sila roon dahil sila ay mga inuutusan na magtakip ng buong katawan nila.

Ang bawat kasuutang nagtatakip sa mababang kalahati ng mga lalaki ay tinatawag na izār (tapis) gaya ng pantalon, thawb, at tulad ng mga ito. Ito ay napaloloob sa mga patakarang legal ng Islām na nabanggit sa ḥadīth na ito.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan sa Kasuutan