Sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyon laban sa bawat bagay na pumipinsala sa iyo at laban sa bawat kaluluwa o matang naiinggit; si Allah ay magpagaling nawa sa iyo; sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyo.

Sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyon laban sa bawat bagay na pumipinsala sa iyo at laban sa bawat kaluluwa o matang naiinggit; si Allah ay magpagaling nawa sa iyo; sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyo.

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya: "Si Jibrīl ay pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: O Muhammad, dumaing ka? Nagsabi siya: Oo. Nagsabi ito: Sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyon laban sa bawat bagay na pumipinsala sa iyo at laban sa bawat kaluluwa o matang naiinggit; si Allah ay magpagaling nawa sa iyo; sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyo."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd Al-Khdudrīy, malugod si Allah sa kanya, ay nagsasaad na si Anghel Jibrīl ay pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang magtanong kung dumaing siya. Ang ibig sabihin ng tanong: "Ikaw ba ay maysakit?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyon laban sa bawat bagay na pumipinsala sa iyo at laban sa bawat kaluluwa o matang naiinggit; si Allah ay magpagaling nawa sa iyo; sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyo." Ito ang panalangin ni Jibrīl, ang pinakamaharlika sa mga anghel, para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pinakamaharlika sa mga sugo. Ang tanong ng Anghel sa Propeta kung dumaing siya sa karamdaman at ang pagsagot naman niya ng oo ay patunay na walang masama na magsabi ang maysakit sa mga tao na siya ay maysakit, kapag tinanong nila siya. Ito ay hindi maituturing na pagdaing. Ang pagdaing ay ang idaing mo ang tagapaglikha sa nilikha, na nagsasabi: "Ako ay binigyan ni Allah ng sakit na ganito at ganoon." Idinadaing mo ang Panginoon sa nilikha. Ito ay hindi ipinahihintulot. Dahil dito ay nagsabi si Propeta Jacob: "Idinadaing ko lamang ang pighati ko at ang lungkot ko kay Allah" (Qur'an 12:86) Ang sabi niya: "laban sa bawat kaluluwa o matang naiinggit; si Allah ay magpagaling nawa sa iyo" ay nangangahulugang laban sa bawat kaluluwang kabilang sa mga kaluluwang pantao o sa mga kaluluwa ng mga jinn o sa iba pa. Ang matang naiinggit ay ang tinatawag ng mga tao na usog. Iyon ay dahil sa ang naiinggit - magpakupkop kay Allah - ay ang nasusuklam na magbiyaya si Allah sa mga lingkod Niya. Ang kaluluwa niya ay halang at masama. Ang kaluluwang halang at masamang ito ay maaaring mamutawi mula rito ang ikasasakit ng kinaiinggitan. Dahil dito ay nagsabi ang Anghel: "o matang naiinggit; si Allah ay magpagaling nawa sa iyo," na nangangahulugang pabutihin nawa niya ang lagay mo at alisin ang karamdaman mo. Ang sabi niya: "sa ngalan ni Allah, nananalangin ako para sa iyo" ay nagpapakitang nagsimula siya sa ngalan ni Allah sa simula ng panalangin niya at katapusan nito.

التصنيفات

Ang Ruqyah na Pang-Sharī`ah