{Isinumpa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang babaing nagdudugtong ng buhok at ang babaing nagpaparugtong ng buhok at ang babaing nagtatato at ang babaing nagpapatato.}

{Isinumpa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang babaing nagdudugtong ng buhok at ang babaing nagpaparugtong ng buhok at ang babaing nagtatato at ang babaing nagpapatato.}

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Isinumpa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang babaing nagdudugtong ng buhok at ang babaing nagpaparugtong ng buhok at ang babaing nagtatato at ang babaing nagpapatato.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagsumpa at pagtaboy at pagpapalayo mula sa awa ni Allāh (napakataas Siya) sa apat na klase: A. Ang babaing nagdudugtong sa sarili niya o sa iba pa sa kanya ng ibang buhok; B. Ang babaing nagpaparugtong sa pamamagitan ng paghiling sa iba pa sa kanya na magdugtong sa buhok niya ng ibang buhok; C. Ang babaing nagsasagawa ng pagturok ng karayom sa isang lugar ng katawan gaya ng mukha o kamay o dibdib at paglalagay ng pangkulay ng kohl o tulad nito sa balat nang sa gayon magkulay bughaw ang bakas nito o magkulay luntian bilang paghahangad ng gayak at karikitan. D. Ang babaing nagpapatato na humihiling na gawin sa kanya ang pagtatato. Ang mga gawaing ito kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.

فوائد الحديث

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Na ang pinipigilan doon ay ang pagdugtong ng buhok sa buhok. Hinggil naman sa kapag nagdugtong siya sa buhok niya ng hindi buhok gaya ng isang tela o iba pa rito, hindi ito napaloloob sa pagsaway.

Ang pagbabawal ng pakikipagtulungan sa kasalanan.

Ang pagsaway laban sa pagpapaiba sa pagkakalikha ni Allāh dahil ito ay isang panghuhuwad at isang panloloko.

Ang pagpayag sa pagsumpa sa sinumang isinumpa ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).

Napaloloob sa pagdurugtong na ipinagbabawal sa panahon nating ito ang pagsusuot ng peluka. Ito ay ipinagbabawal dahil sa taglay nito na pagpapakawangis sa mga tagatangging sumampalataya, pandaraya, at panloloko.

Nagsabi si Al-Khaṭṭābīy: Nasaad lamang ang matinding banta sa mga bagay na ito dahil sa taglay nitong pandaraya at panlilinlang na kung sakaling nagpermiso sa anuman sa mga ito, talaga sanang ito ay naging isang kaparaanan tungo sa paghiling ng pagpayag sa iba pa sa mga ito na mga uri ng pandaraya; at dahil sa taglay nito na pagpapaiba sa pagkakalikha. Gayon ang pagpapahiwatig sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd sa sabi niya: "Ang mga tagapagpaiba sa pagkalikha ni Allāh." Si Allāh ay higit na maalam.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ito ay bawal sa babaing tagagawa at babaing ginagawan. Ang bahaging tinatuan ay nagiging marumi. Kaya kung naisaposible ang pag-aalis nito sa pamamagitan ng paggamot, kakailanganin ito. Kung hindi maaari kundi sa pamamagitan ng operasyon saka nangamba siya dahil doon ng pagkasira o pagkawala ng isang bahagi ng katawan o ng isang kapakinabangan o isang anumang labis-labis sa isang hayag na bahagi ng katawan, hindi kakailanganin ang pag-aalis nito. Kapag nagbalik-loob siya, walang matitira sa kanya na kasalanan. Kung hindi siya nangamba sa anuman mula roon, inoobliga sa kanya ang pag-aalis niyon at sumusuway siya sa pagpapahuli nito.

التصنيفات

Ang Kasuutan at ang Gayak