إعدادات العرض
'Huwag kayong magparusa ng pagdurusang dulot ni Allah.'
'Huwag kayong magparusa ng pagdurusang dulot ni Allah.'
Ayon kay `Ikrimah: {Si `Alīy (r) ay sumunog ng mga tao saka nakarating iyon kay Ibnu `Abbās kaya nagsabi siya: "Kung sakaling naging ako siya, hindi ako magsusunog sa kanila dahil ang Propeta (s) ay nagsabi: 'Huwag kayong magparusa ng pagdurusang dulot ni Allah.' Talagang pagpapatayin ko sila gaya ng sinabi ng Propeta (s): 'Ang sinumang nagpalit ng relihiyon ay patayin ninyo.'"}
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Русский हिन्दी 中文 Bahasa Indonesia اردو Kurdî Português دری Македонски Tiếng Việt Magyar ქართული বাংলা ไทย অসমীয়া Hausa Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Kiswahiliالشرح
Nagpasya si `Alīy bin Abī Ṭālib (r) kaya sumunog ito sa apoy ng mga taong kabilang sa mga ereheng tumalikod sa Islam saka nakarating iyon kay `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allah sa kanilang dalawa). Kumatig naman siya roon sa pagpatay sa kanila subalit tumutol siya sa pagsunog sa kanila sa apoy. Nagsabi siya: "Kung sakaling ako ay naging nasa lugar niya, talagang hindi ako magsusunog sa kanila dahil ang Propeta (s) ay naglinaw na walang magpaparusa sa pamamagitan ng apoy kundi si Allah subalit makasasapat ang pagpatay sa kanila yayamang nagsabi siya (s) na ang sinumang tumalikod sa Islam at nagpalit ng relihiyon niya ng iba pang relihiyon ay patayin ninyo."فوائد الحديث
Ang pagkakinakailangan ng pagpaay sa tumalikod sa Relihiyong Islam ayon sa pagkakabuklod ng hatol ng mga may kaalaman. Iyon ay ayon sa mga kundisyon. Walang gagawa niyon kundi ang pinunong tagapamahala.
