إعدادات العرض
Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa isang pang-aapi
Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa isang pang-aapi
[Isinaysay] ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na ang ina niya na Anak ni Rawāḥah ay humiling sa ama niya ng bahagi ng kaloob mula sa yaman niyon para sa anak nito ngunit nag-antala iyon niyan ng isang taon, pagkatapos lumitaw roon [na ibigay] kaya nagsabi naman ito: "Hindi ako nalulugod hanggang sa magpasaksi ka sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ipinagkaloob mo sa anak ko." [Nagsanaysay naman si An-Nu`mān]: Kaya humawak ang ama ko sa kamay ko noong ako sa araw na iyon ay isang bata saka pumunta siya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Tunay na ang ina nito na Anak ni Rawāḥah ay nasisiyahan na magpasaksi ako sa iyo sa pagkaloob ko sa anak niya." Kaya nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Bashīr, may anak ka ba bukod pa rito?" Nagsabi siya: "Opo." Kaya nagsabi ito: "Sa lahat sa kanila ba ay nagkaloob ka ng tulad dito?" Nagsabi siya: "Hindi po." Nagsabi ito: "Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa isang pang-aapi."} Batay kay Imām Muslim: {"Ngunit magpasaksi ka rito sa iba pa sa akin."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Kiswahili සිංහල ગુજરાતી Magyar ქართული Română ไทย తెలుగు मराठी دری አማርኛ Malagasy Македонски ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpabatid si An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang ina niya na si `Amrah na Anak ni Rawāḥah (malugod si Allāh sa kanya) ay humiling sa ama niya ng bahagi ng kaloob mula sa yaman niyon para sa anak nito ngunit nagkupad-kuparan iyon at nagpaliban iyon niyan ng isang taon, pagkatapos lumitaw roon na tumugon dito sa hiling nito para ibigay sa anak nitong si An-Nu`mān kaya nagsabi naman ito: "Hindi ako nalulugod hanggang sa magpasaksi ka sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ipinagkaloob mo sa anak ko." [Nagsanaysay naman si An-Nu`mān]: "Kaya humawak ang ama ko sa kamay ko noong ako sa araw na iyon ay isang bata saka pumunta siya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang ina nito na Anak ni Rawāḥah ay nasisiyahan na magpasaksi ako sa iyo sa pagkaloob ko sa anak niya." Kaya nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Bashīr, may anak ka ba bukod pa rito?" Nagsabi siya: "Opo." Kaya nagsabi ito: "Sa lahat sa kanila ba ay nagkaloob ka ng tulad dito?" Nagsabi siya: "Hindi po." Nagsabi ito: "Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa isang pang-aapi at kawalang-katarungan." Batay kay Imām Muslim, nagsabi ito: "Subalit magpasaksi ka sa kawalang-katarungang ito sa iba pa sa akin."فوائد الحديث
Ang pagkakinakailangan ng katarungan sa pagitan ng mga lalaking anak at mga babaing anak sa mga bigay at kaloob. Hinggil naman sa panggugol, tatayain ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa alinsunod sa kasapatan dito.
Ang pagtatangi sa ilan sa mga anak higit sa iba ay bahagi ng pang-aapi at kawalang-katarungan. Hindi pinapayagan dito ang pagsaksi na gampanan at ganapin.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nararapat na magpantay sa pagitan ng mga anak sa kaloob. Magkakaloob sa bawat isa sa kanila ng tulad sa iba at hindi magtatangi-tangi. Magpapantay sa pagitan ng lalaki at babae. Nagsabi naman ang iba sa mga kasamahan natin: Nauukol sa lalaki ang tulad ng parte ng dalawang babae. Ang tumpak na tumanyag ay pagpapantayin sa pagitan ng dalawa, batay sa nakahayag sa ḥadīth.
Ang mga patakaran na bumabagsak sa pagsalungat sa Batas ay pinawawalang-saysay at hindi ipinatutupad.
Ang pagpapadetalye sa tagahatol at tagapagbigay-fatwā tungkol sa naisasaposibilidad ang pagpapadetalye batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ginawa mo ba ito sa mga anak mo sa kabuuan nila?"
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang pagpayag sa pagbawi ng ama sa kaloob niya sa anak.
Ang pag-uutos ng paggawa ng nauuwi sa pagtutugmaan sa pagitan ng magkakapatid at ang pagwaksi ng nagpapaganap sa pagitan nila ng hinanakit o nagsasanhi ng kasutilan sa mga magulang.
التصنيفات
Ang Paggugol sa mga Anak