Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws."}

Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws."}

Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Sa Paraiso ay may isandaang antas, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa. Ang Firdaws ay ang pinakamataas sa mga ito sa antas at mula rito pinabubulwak ang apat na ilog ng Paraiso at mula sa itaas nito ay ang Trono. Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa Paraiso ay may isandaang antas at katayuan, na ang pagitan ng bawat dalawang antas na distansiya ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa. Ang pinakamataas sa mga paraisong ito ay ang Paraiso ng Firdaws. Mula rito pinabubulwak ang apat na ilog ng Paraiso at mula sa itaas ng Firdaws ay ang Trono. Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws yayamang ito ay nasa ibabaw ng lahat ng mga paraiso.

فوائد الحديث

Ang pagkakaibahan ng mga maninirahan sa Paraiso sa mga katayuan nila. iyon ay alinsunod sa pananampalataya at mga gawang maayos.

Ang paghimok sa paghiling kay Allāh ng Firdaws na Pinakamataas na paraiso.

Ang Firdaws ay ang pinakamataas na paraiso at ang pinakamainam nito.

Nararapat sa Muslim na ang alalahanin niya ay maging mataas at na magpunyagi siya at humiling siya ng pinakamataas sa mga katayuan at pinakamainam sa mga ito sa ganang kay Allāh (napakataas Siya).

Ang apat na ilog ng Paraiso ay ang mga ilog ng tubig, gatas, alak, at pulut-pukyutan na nababanggit sa Qur'ān sa sabi ni Allāh (Qur'ān 47:15): {Ang paglalarawan sa Paraiso – na pinangakuan ang mga tagapangilag magkasala roon ng mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago, ng mga ilog mula sa gatas na hindi nagbago ang lasa nito, ng mga ilog mula sa alak na kasarapan para sa mga tagainom, at ng mga ilog mula sa pulut-pukyutan na dinalisay,}

التصنيفات

Ang Pananampalataya sa Huling Araw, Ang Buhay sa Kabilang-buhay, Ang mga Du`ā' na Ipinahatid