Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang hindi natitiwasay ang kapitbahay niya sa mga sakuna niya."}

Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang hindi natitiwasay ang kapitbahay niya sa mga sakuna niya."}

Ayon kay Shurayḥ (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang hindi natitiwasay ang kapitbahay niya sa mga sakuna niya."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Sumumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagbigay-diin sa pagsumpa niya nang tatlong ulit sapagkat nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya!" Kaya nagtanong sa kanya ang mga Kasamahan: "Sino po ang hindi sumasampalataya, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang nangangamba ang kapitbahay niya sa kasukaban niya, kawalang-katarungan niya, at kasamaan niya."

فوائد الحديث

Ang pagkaila ng pananampalataya sa sinumang hindi natitiwasay ang kapitbahay niya mula sa kawalang-katarungan niya at kasamaan niya ay nagpapatunay na ito ay kabilang sa malalaking kasalanan at na ang tagagawa nito ay nagkukulang sa pananampalataya.

Ang tiyak na pag-udyok sa paggawa ng maganda sa kapitbahay at ang pagwaksi ng perhuwisyo sa kanya sa sinasabi o ginagawa.

التصنيفات

Ang Pagkakasundo at ang mga Patakaran ng Kapitbahayan