Ang sinumang nagluwalhati kay Allāh sa katapusan ng bawat ṣalāh nang tatlumpu't tatlong ulit, nagpuri kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, at nagdakila kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, kaya iyon ay siyamnapu't siyam, at nagsabi sa kaganapan ng isang daan ng: "Lā ilāha illa…

Ang sinumang nagluwalhati kay Allāh sa katapusan ng bawat ṣalāh nang tatlumpu't tatlong ulit, nagpuri kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, at nagdakila kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, kaya iyon ay siyamnapu't siyam, at nagsabi sa kaganapan ng isang daan ng: "Lā ilāha illa ­–llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu ­–lmulku wa-lahu ­–lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay 'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)," patatawarin ang mga kasalanan niya, kahit pa ang mga ito ay naging tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagluwalhati kay Allāh sa katapusan ng bawat ṣalāh nang tatlumpu't tatlong ulit, nagpuri kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, at nagdakila kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, kaya iyon ay siyamnapu't siyam, at nagsabi sa kaganapan ng isang daan ng: "Lā ilāha illa ­–llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu ­–lmulku wa-lahu ­–lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay 'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)," patatawarin ang mga kasalanan niya, kahit pa ang mga ito ay naging tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi, matapos ng pagwawakas ng ṣalāh na isinatungkulin, ng: 33 ulit na: "Subḥāna –­llāh (Kaluwalhatian kay Allāh)," na pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa mga kakulangan; 33 ulit na: "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)," na pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kalubusan kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya; 33 ulit na: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)," na pagpapahayag na si Allāh ay pinakasukdulan at pinakakapita-pitagan kaysa sa bawat bagay. Ang pagpapakumpleto ng bilang sa 100 ay ang pagsabi ng: "Lā ilāha illa ­–llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu ­–lmulku wa-lahu ­–lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay 'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)." Ang kahulugan nito: Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya, na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang natatangi sa ganap na paghahari at ang karapat-dapat sa pagbubunyi at papuri kasama ng pag-ibig at pagdakila bukod sa sinumang iba sa Kanya, at na Siya ay Nakakakaya na walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Ang sinumang nagsabi niyon, papawiin ang mga pagkakamali niya at patatawarin ang mga ito, kahit pa man ang mga ito ay naging marami tulad ng puting bula na pumapaibabaw sa dagat sa sandali ng pag-alon nito at pagkabulabog nito.

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsambit ng dhikr na ito matapos ng mga ṣalāh na isinatungkulin.

Ang pagsambit ng dhikr na ito ay isang kadahilanan ng kapatawaran ng mga pagkakasala.

Ang kadakilaan ng kabutihang-loob ni Allāh (napakataas Siya), ang awa Niya, at ang kapatawaran Niya.

Ang pagsambit ng dhikr na ito ay isang kadahilanan ng kapatawaran ng mga pagkakasala. Ang ibig sabihin ay ang pagtatakip-sala sa maliliit sa mga pagkakasala. Hinggil naman sa malalaki, walang nagtatakip-sala sa mga ito kundi ang pagbabalik-loob.

التصنيفات

Ang mga Dhikr sa Ṣalāh