Nangunguna sa kainaman ang dasal ng maramihan sa dasal ng isa sa inyo na nag-iisa ito nang dalawamput-limang bahagi,at nagtitipon ang mga Anghel ng Gabi at mga Anghel ng Araw sa dasal ng Fajr (madaling-araw)

Nangunguna sa kainaman ang dasal ng maramihan sa dasal ng isa sa inyo na nag-iisa ito nang dalawamput-limang bahagi,at nagtitipon ang mga Anghel ng Gabi at mga Anghel ng Araw sa dasal ng Fajr (madaling-araw)

Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: (( Nangunguna sa kainaman ang dasal ng maramihan sa dasal ng isa sa inyo na nag-iisa ito, nang dalawamput-limang bahagi,at nagtitipon ang mga Anghel ng Gabi at mga Anghel ng Araw sa dasal ng madaling-araw)) Pagkatapos ay sinabi ni Abe Hurayrah: Basahin ninyo kapag ninais ninyo:{ Katotohanan ang pagdalit ng Qur-an sa pagbubukang-liwayway ay lagi nang sinasaksihan.} [Kabanata ng Al-Isrā: 78]

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinapahayag sa Hadith ,na Ang dasal ng lalaki sa jamaah ay mas nauuna sa kainaman sa pagdarasal nito na nag-iisa, nang dalawamput-limang dasal na idinadasal niya ito na nag-iisa,Pagkatapos ay binanggit niya na Ang mga Anghel ng Gabi at Araw ay nagtitipon sa Dasal ng madaling-araw (Al-Fajr), Pagkatapos ay Sinabi ni Abe Hurayrah,bilang pagsasaksi rito: Basahin ninyo kapag ninais ninyo:{ Katotohanan ang pagdalit ng Qur-an sa pagbubukang-liwayway ay lagi nang sinasaksihan}[Kabanata ng Al-Isrā: 78] " Na Ang ibig sabihin: Na ang dasal ng Madaling-araw ay sinasaksihan ito ng mga Anghel ng Gabi at mga Anghel ng Araw, at tinawag itong Qur-an,sa dahilan ng pagpapahintulot sa pagpapahaba (ng pagbasa) ng Qur-an rito nang mas mahaba pa sa iba rito,At dahil sa kainaman ng pagbabasa rito, kaya't sinasaksihan ito ni Allah-Pagkataas-taas Niya at nang mga Anghel ng Gabi at mga Anghel ng Araw.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito