Pinuputol ang kamay sa [pagnanakaw ng] ikaapat na bahagi ng Dinar pataas."}

Pinuputol ang kamay sa [pagnanakaw ng] ikaapat na bahagi ng Dinar pataas."}

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pinuputol ang kamay sa [pagnanakaw ng] ikaapat na bahagi ng Dinar pataas."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang magnanakaw ay pinuputulan ng kamay dahil sa pagnanakaw ng halagang ikaapat ng dinar na ginto at anumang humigit pa roon. Nakatutumbas nito ang halagang kapantay ng 1.06 gramo ng ginto.

فوائد الحديث

Ang pagnanakaw ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.

Nagtakda si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ng kaparusahan sa magnanakaw. Ito ay ang pagputol ng kamay niya gaya ng nasaad sa sabi ni Allāh (Qur'ān 5:38): {Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo ang mga kamay nila} Naglinaw nga ang Sunnah ng mga kundisyon ng pagputol na ito.

Ang tinutukoy ng kamay sa ḥadīth ay ang pagpatay ng tangan mula sa kasukasuan nito at ng pang-ibabang braso.

Bahagi ng kasanhian sa pagputol ng kamay ng magnanakaw ang pangangalaga sa mga ari-arian ng mga tao at ang pagsawata sa iba pa sa kanya kabilang sa mga tagalabag.

Ang dinar ay isang sukat ng bigat ng ginto at nakatutumbas sa kasalukuyan sa 4.25 gramo ng 24 karat. Kaya naman ang 1/4 ng dinar nakatutumbas sa 1.0625 gramong ginto.

التصنيفات

Ang Takdang Parusa sa Pagnanakaw