Sa mga bago ninyo noon ay may isang lalaking may isang sugat kaya nasuya siya kaya kumuha siya ng isang punyal saka humiwa siya sa pamamagitan nito sa kamay niya. Hindi naampat ang dugo hanggang sa namatay siya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagdali-dali sa Akin ang alipin Ko ng sarili niya.…

Sa mga bago ninyo noon ay may isang lalaking may isang sugat kaya nasuya siya kaya kumuha siya ng isang punyal saka humiwa siya sa pamamagitan nito sa kamay niya. Hindi naampat ang dugo hanggang sa namatay siya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagdali-dali sa Akin ang alipin Ko ng sarili niya. Nagkait Ako sa kanya ng Paraiso."}

Ayon kay Al-Ḥasan na nagsabi: Nagsanaysay sa amin si Jundub bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) sa masjid na ito. Hindi kami nakalimot magmula ng nagsanaysay siya sa amin. Hindi kami natakot na si Jundub ay nagsinungaling laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi siya: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Sa mga bago ninyo noon ay may isang lalaking may isang sugat kaya nasuya siya kaya kumuha siya ng isang punyal saka humiwa siya sa pamamagitan nito sa kamay niya. Hindi naampat ang dugo hanggang sa namatay siya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagdali-dali sa Akin ang alipin Ko ng sarili niya. Nagkait Ako sa kanya ng Paraiso."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa mga bago natin noon ay may isang lalaking nagkaroon ng isang sugat kaya nasuya siya at hindi siya nakapagtiis sa sakit. Kumuha siya ng isang punyal saka pumutol siya sa pamamagitan nito sa kamay niya at minadali niya ang kamatayan. Hindi natigil ang dugo hanggang sa namatay siya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagdali-dali sa Akin ang alipin Ko ng sarili niya. Nagkait nga Ako sa kanya ng Paraiso."

فوائد الحديث

Ang kainaman ng pagtitiis sa kasawiang-palad at ang pagwaksi ng panghihinawa sa mga sakit upang hindi humantong sa higit na matindi kaysa sa mga ito.

Ang pagsasanaysay tungkol sa mga kalipunang lumipas hinggil sa anumang nasaad dito ang kabutihan at ang pangaral.

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad dito ang pagbatid sa mga karapatan ni Allāh at awa Niya sa nilikha Niya yayamang nagbawal siya sa kanila ng pagpatay sa mga sarili nila at na ang mga buhay ay pag-aari Niya.

Ang pagbabawal sa paggawa ng mga kadahilanang nauuwi sa pagpatay ng sarili at ang matinding banta kaugnay roon.

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nagpatunay iyon na humiwa siya rito dahil sa pagnanais ng kamatayan hindi para sa pagpapakay ng panggagamot na nananaig sa palagay ang pakikinabang doon.

التصنيفات

Ang Pagpula sa mga Pagsuway