Allāhumma innī a`ūdhu bika min munkarāti -l'akhlāqi wa-l'a`māli wa-l'ahwā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga nakasasama sa mga kaasalan, mga gawain, at mga pithaya.)"}

Allāhumma innī a`ūdhu bika min munkarāti -l'akhlāqi wa-l'a`māli wa-l'ahwā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga nakasasama sa mga kaasalan, mga gawain, at mga pithaya.)"}

Ayon kay Quṭbah bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min munkarāti -l'akhlāqi wa-l'a`māli wa-l'ahwā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga nakasasama sa mga kaasalan, mga gawain, at mga pithaya.)"}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Kabilang noon sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop" at dumudulog at nagpapakalinga "sa Iyo" wala nang iba sa Iyo "laban sa mga nakasasama" na sumaway Ka at ang Sugo Mo laban sa mga ito "sa mga kaasalan" na gaya ng paghihinakit, pagkainggit, at pagmamalaki, laban sa mga nakasasama sa "mga gawain" gaya ng pang-aalipusta at panlalait, "at" laban sa lahat ng "mga pithaya" na nagnanasa ng mga ito ang sarili samantalang ang mga ito ay sumasalungat sa Batas.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng panalanging ito ang pagtugon dito.

Ang mananampalataya ay nagsisigasig sa pag-iwas sa mga kaasalang kapula-pula at mga gawaing nakasasama at nag-iingat laban sa pagsunod sa pagsunod sa pithaya at pagkasadlak sa mga pagnanasa.

Ang pagkahati-hati ng mga kaasalan, mga gawain, at mga pithaya sa nakasasama at nakabubuti.

التصنيفات

Ang mga Du`ā' na Ipinahatid