إعدادات العرض
Tumingin kayo sa sinumang nasa ibaba mula sa inyo at huwag kayong tumingin sa sinumang siya ay nasa itaas ninyo sapagkat iyon ay higit marapat na hindi kayo manlait sa biyaya ni Allāh sa inyo."}
Tumingin kayo sa sinumang nasa ibaba mula sa inyo at huwag kayong tumingin sa sinumang siya ay nasa itaas ninyo sapagkat iyon ay higit marapat na hindi kayo manlait sa biyaya ni Allāh sa inyo."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumingin kayo sa sinumang nasa ibaba mula sa inyo at huwag kayong tumingin sa sinumang siya ay nasa itaas ninyo sapagkat iyon ay higit marapat na hindi kayo manlait sa biyaya ni Allāh sa inyo."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Kiswahili සිංහල ગુજરાતી Magyar ქართული Română Português ไทย తెలుగు मराठी دری አማርኛ বাংলা Malagasy Македонскиالشرح
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na tumingin siya hinggil sa mga bagay-bagay sa Mundo kaugnay sa tahanan, yaman, reputasyon, at iba pa sa mga ito sa sinumang ang kalagayan niyon ay nasa ibaba mula sa kanya at huwag siyang tumingin hinggil sa mga bagay-bagay sa Mundo niya sa sinumang iyon ay nasa itaas niya at higit na mainam kaysa sa kanya sapagkat tunay na ang pagtinging iyon sa sinumang iyon ay nasa ibaba ay higit na karapat-dapat at higit na marapat na hindi ka manghamak at mangmata sa biyaya ni Allāh sa iyo.فوائد الحديث
Ang pagkakontento ay kabilang sa pinakakapita-pitagan sa mga kaasalan ng mga mananampalataya at ito ay isang palatandaan ng pagkalugod sa pagtatakda ni Allāh.
Nagsabi si Ibnu Jarīr: Ito ay isang ḥadīth na tagatipon ng mga uri ng kabutihan dahil ang tao, kapag nakakita siya ng sinumang nakalamang sa kanya sa Mundo, ay hinihilingan ng sarili niya ng tulad niyon. Nagmamaliit siya sa anumang taglay niya na biyaya ni Allāh (napakataas Siya). Nagsisigasig siya sa pagkadagdag upang makahabol doon o makilapit doon. Ito ay ang naririyan sa nakararami sa mga tao. Hinggil naman sa kapag tumingin siya kaugnay sa mga bagay-bagay ng Mundo sa sinumang iyon ay nasa ibaba niya kaugnay roon, lilitaw sa kanya ang biyaya sa kanya ni Allāh (napakataas Siya) kaya magpapasalamat siya rito, magpapakumbaba, gagawa roon ng kabutihan.
التصنيفات
Ang Pagdadalisay sa mga Kaluluwa