Tunay na si Allāh ay banayad; naiibigan Niya ang kabanayaran sa lahat ng bagay.

Tunay na si Allāh ay banayad; naiibigan Niya ang kabanayaran sa lahat ng bagay.

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allāh,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay banayad; naiibigan Niya ang kabanayaran sa lahat ng bagay." Nagsabi pa ang Propeta,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na si Allāh ay banayad: naiibigan Niya ang kabanayaran. Nagbibigay Siya dahil sa kabanayaran ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan at hindi Niya ibinibigay dahil sa iba pa roon."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Tunay na si Allāh ay banayad; naiibigan Niya na ang lahat ng mga bagay ay maging may kabanayaran at naiibigan Niya sa mga lingkod na maging banayad sa nilikha Niya, malambot ang loob, at maganda ang pakikitungo. Ginagantimpalaan Niya iyon ng hindi Niya igigantimpala dahil sa karahasan at kabangisan. Siya ay banayad sa lahat ng bagay-bagay. Ito ay dakilang kaasalan at kabig-ibig kay Allāh, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas. Ang Muslim ay nararapat magtaglay nito palagi.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri