إعدادات العرض
Ang kalamangan ng maaalam sa mananamba ay gaya ng kalamangan ko higit sa pinakamababa sa inyo
Ang kalamangan ng maaalam sa mananamba ay gaya ng kalamangan ko higit sa pinakamababa sa inyo
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May binanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalawang lalaking ang isa sa dalawa ay isang tagasamba at ang iba naman ay isang tagaalam. Kaya naman nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kalamangan ng maaalam sa mananamba ay gaya ng kalamangan ko higit sa pinakamababa sa inyo." Pagkatapos nagsabi pa ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh, ang mga anghel, at ang mga naninirahan sa mga langit at mga lupa, pati na ang langgam sa lungga nito at pati na ang balyena ay talagang dumadalangin ng basbas sa tagapagturo sa mga tao ng kabutihan."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Tiếng Việt Magyar ქართული සිංහල Kiswahili Română অসমীয়া ไทย Hausa Português मराठी دری አማርኛ বাংলা ភាសាខ្មែរ Nederlands Македонски ગુજરાતી ਪੰਜਾਬੀ മലയാളംالشرح
May binanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalawang lalaking ang isa sa dalawa ay isang tagasamba at ang iba naman ay isang tagaalam. Alin sa dalawa ang higit na mainam? Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kalamangan ng nakaaalam ng mga kaalamang pangkapahayagan, na tagapagsagawa ng mga ito at tagapagturo ng mga ito, higit sa mananambang nakatuon sa pagsamba sa kabila ng pagkakaalam nito sa kinakailangan dito na kaalaman ay gaya ng kalamangan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at karangalan niya higit sa pinakamababa sa mga Kasamahan. Pagkatapos naglinaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kadahilanan niyon ay dahil si Allāh, ang mga anghel Niya kabilang sa mga tagapasan ng Trono, ang mga naninirahan sa mga langit kabilang sa nalalabi sa mga anghel, at ang mga naninirahan sa lupa kabilang sa tao, jinn, at lahat ng mga hayop, pati na ang langgam sa tirahan nito sa ilalim ng lupa, at pati na ang balyena at ang isda ng dagat, na sumasaklaw sa mga hayop ng katihan at karagatan, ay talagang dumadalangin ng kabutihan para sa tagapagturo sa mga tao ng mga kaalaman ng Relihiyon na nasa mga ito ang kaligtasan ng mga tao at ang tagumpay nila.فوائد الحديث
Kabilang sa mga istilo ng pag-aanyaya tungo kay Allāh ang pagpapaibig at ang paglalahad ng mga paghahalintulad.
Ang bigat ng karangalan ng mga maalam na nagpakatuto ng kaalaman at nagsagawa ng karapatan nito na paggawa at pag-aanyaya.
Ang paghimok sa pagpipitagan sa mga maalam at mga estudyante ng kaalaman at ang pagdalangin para sa kanila.
Ang paghimok sa pagtuturo sa mga tao ng kabutihan dahil ito ay isang kadahilanan ng kaligtasan nila at kaligayahan nila.
التصنيفات
Ang Kalamangan ng Kaalaman