إعدادات العرض
Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagbabaling-baling Siya nito saan man Niya loloobin
Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagbabaling-baling Siya nito saan man Niya loloobin
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagbabaling-baling Siya nito saan man Niya loloobin." Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma muṣarrifa -lqulūbi ṣarrif qulūbanā `alā ṭā`atik. (O Allāh, ang Tagapagpatnugot ng mga puso, magpatnugot sa ng mga puso namin sa pagtalima sa Iyo)."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português සිංහල Kiswahili অসমীয়া Tiếng Việt ગુજરાતી Nederlands Hausa മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ไทย Македонски తెలుగు मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy Українська ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagpapatnugot Siya nito saan man Niya loloobin. Kung loloobin Niya, magpapanatili Siya rito sa totoo; at kung loloobin Niya, magpapaliko Siya rito palayo sa totoo. Ang pagpapakapatnugot Niya sa lahat ng mga puso ay gaya ng pagpapakapatnugot sa iisa, na walang umaabala sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na isang bagay sa halip ng isang bagay. Pagkatapos dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, ang Tagapagpatnugot ng mga puso minsan sa pagtalima at minsan sa pagsuway, at minsan sa pagkaalaala at minsan sa pagkalingat, magpatnugot Ka ng mga puso namin sa pagtalima sa Iyo."فوائد الحديث
Ang pagpapatibay sa pagtatakda at na si Allāh ay nagtutuon ng mga puso ng mga lingkod Niya alinsunod sa pagtatakdang itinakda Niya sa kanila.
Nararapat sa Muslim na magpamalagi ng paghiling sa Panginoon niya ng katatagan sa totoo at patnubay.
Ang pangamba kay Allāh at ang pagkahumaling sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya.
Nagsabi si Al-Ājurrīy: Tunay na ang mga alagad ng katotohanan ay naglalarawan kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ayon sa inilarawan Niya sa sarili Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), ayon sa inilarawan ng Sugo ni Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at ayon sa inilarawan ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila). Ito ang doktrina ng mga maalam kabilang sa mga sumunod at hindi gumawa ng bid`ah. (Nagwakas ang sipi.) Kaya ang mga alagad ng Sunnah ay nagpapatibay para kay Allāh ng anumang pinagtibay Niya para sa sarili Niya na mga pangalan at mga katangian nang walang taḥrīf (paglilihis sa kahulugan), walang ta'til (pagsira sa kahulugan nito), walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), at walang tamthīl (paghahalintulad ng kahulugan); at nagkakaila palayo kay Allāh ng ikinaila Niya palayo sa sarili Niya. Nananahimik sila sa anumang walang nasaad dito na pagkakaila ni pagpapatibay. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 42:11): {Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.}
التصنيفات
Ang mga Du`ā' na Ipinahatid