na ito ay tinanong tungkol sa pagbigkas ng Sugo ni Allah (s)

na ito ay tinanong tungkol sa pagbigkas ng Sugo ni Allah (s)

Ayon sa Anak ni Abū Mulaykah: ayon sa isa sa mga maybahay ng Propeta (s): {Nagsabi si Abū `Āmir: Nagsabi si Nāfi`: Nakakita ako sa kanya, kay Ḥafṣah, na ito ay tinanong tungkol sa pagbigkas ng Sugo ni Allah (s) kaya nagabi ito: "Tunay na kayo ay hidi makakakaya niyon." Nagsabi iyon: Kaya sinabi rito: "Magpabatid ka sa amin hinggil doon." Nagsabi iyon: Kaya bumigkas ito ng pagbigkas na nagpapakahinay-hinay ito roon. Nagsabi si Abū `Āmir: Nagsabi si Nāfi`: Kaya gumaya para sa amin ang Anak ni Abū Mulaykah: "Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang) (Qur'an 1:2) pagkatapos huminto siya, "Arraḥmāni -rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain)." (Qur'an 1:3) pagkatapos huminto siya, "Māliki yawmi -ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas) (Qur'an 1:3)"}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Tinanong si Ḥafṣah na Ina ng mga Mananampalataya (r): "Papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (s) ng Qur'an?" Kaya nagsabi ito: "Tunay na kayo ay hindi makapagkakaya sa tulad niyon." Kaya sinabi rito: "Magpabatid ka sa amin." Nagsabi si Nāfi`: Kaya bumigkas para sa amin ang Anak ni Abū Mulaykah ng pagbigkas ng pagdadahan-dahan dito upang magaya at mapalapit para sa kanila ang pamamaraan ng pagbigkay ng Propeta (s) saka bumigkas siya: "Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang) (Qur'an 1:2) pagkatapos huminto siya sa pagbigkas, "Arraḥmāni -rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain)." (Qur'an 1:3) pagkatapos huminto siya sa pagbigkas, "Māliki yawmi -ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas) (Qur'an 1:3)"

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa pagpatnubay ng Propeta (s) sa pagbigkas ng Qur'an.

Ang praktikal na aplikasyon para sa paglilinaw ng pamamaraan ng pagbigkas ng Propeta (s).

Ang pagkaisinasabatas ng pagpapakahinay-hinay sa pagbigkas ng Qur'an sapagkat ito ay higit na mapag-anyaya sa pagbubulay-bulay rito.

Ang pagpapahalaga ng Maayos na Kanunuan sa Marangal na Qur'an at sa gawain ng Propeta (s).

Ang kahalagaha ng pagkaalam sa Tajwīd (Pagpapahusay ng Pagbigkas ng Qur'an) at `Ulūmulqur'ān (Mga Agham ng Qur'an).

التصنيفات

Ang Agham ng Tajwīd