Tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan ninyo para kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān."}

Tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan ninyo para kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān."}

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan ninyo para kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan para kay Allāh ay ang ngalan ng pag-alaala: `Abdullāh o `Abdurraḥmān.

فوائد الحديث

Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Napasasama sa dalawang pangalang ito ang anumang naging tulad ng dalawang ito gaya ng `Abdurraḥīm, `Abdulmalik, at `Abduṣṣamad. Ang mga ito ay naging pinakakaibig-ibig lamang kay Allāh dahil ang mga ito ay naglaman ng isang paglalarawang kinakailangan para kay Allāh at paglalarawan para sa tao at kinakailangan para rito, ang pagkaalipin. Pagkatapos iniugnay ang `abd (lingkod/alipin/mananamba) sa Panginoon sa isang tunay na pagkakaugnay kaya tinutotoo ang mga ito sa mga individuwal ng pangalang ito at binigyang-dangal ang mga ito dahil sa pagkakalangkap natin kaya natamo para sa mga iyon ang kainamang ito. Nagsabi naman ang iba pa sa kanya: Ang kasanhian sa pagkakasya sa dalawang pangalan ay hindi naganap sa Qur'ān ang pag-uugnay ng `abd sa isang pangalang kabilang sa mga pangalan ni Allāh (napakataas Siya) na iba pa sa dalawang ito. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 72:19): {Na noong tumindig ang lingkod ni Allāh habang dumadalangin sa Kanya...} at nagsabi pa Siya sa isa pang talata (Qur'ān 25:63): {Ang mga lingkod ng Napakamaawain...} at sumusuporta rito ang sabi Niya (Qur'ān 17:110): {Sabihin mo: "Dumalangin kayo kay Allāh o dumalangin kayo sa Napakamaawain..."}

التصنيفات

Ang mga Kahatulan Para sa mga Sanggol