Kaingat kayo sa mga minamaliit sa mga pagkakasala

Kaingat kayo sa mga minamaliit sa mga pagkakasala

Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaingat kayo sa mga minamaliit sa mga pagkakasala sapagkat tanging ang paghahalintulad ng mga minamaliit sa mga pagkakasala ay gaya ng mga taong nanuluyan sa isang kalaliman ng isang lambak, saka naghatid itong isa ng isang patpat at naghatid iyang isa ng isang patpat hanggang sa nakapagluto sila ng tinapay nila. Tunay na ang mga minamaliit sa mga pagkakasala, kapag dinadalhan ng mga ito ang tagagawa ng mga ito, ay magpapasawi sa kanya."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagwawalang-bahala sa paggawa ng maliliit sa mga pagkakasala at pagpaparami ng mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay magpapasawi dahil sa natipon sa mga ito. Naglahad siya ng isang paghahalintulad doon sa pamamagitan ng mga taong nanuluyan sa isang kalaliman ng isang lambak, saka naghatid ang bawat isa sa kanila ng isang maliit na patpat hanggang sa nakapagluto sila ng tinapay nila dahil sa natipon sa tinipon nila na mga patpat. Tunay na ang mga minamaliit sa mga pagkakasala, kapag dinadalhan ng mga ito ang tagagawa ng mga ito at hindi siya nagbalik-loob mula sa mga ito at hindi nagpaumanhin si Allāh sa kanya, ay magpapasawi sa kanya.

فوائد الحديث

Ang pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paglalahad ng mga paghahalintulad bilang pagpapalapit sa pag-intindi at bilang karagdagan sa paglilinaw.

Ang pagbibigay-babala laban sa maliliit sa mga pagkakasalang minamali-maliit at ang paghimok sa pagdadali-dali sa pagtatakip-sala sa mga ito.

Ang mga minamaliit sa mga pagkakasala ay nagsasaposibilidad ng mga kahulugan: A. Ang ginagawa ng tao na mga pagkakasala, habang nagpapakahibang na iyon ay kabilang sa maliliit sa mga ito samantalang iyon ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala sa ganang kay Allāh (napakataas Siya). B. Ang ginagawa ng tao na maliliit sa mga pagkakasala nang walang pagpansin sa mga ito at walang pagbabalik-loob mula sa mga ito kaya natitipon sa kanya ang mga maliliit na kasalanang ito hanggang sa magpasawi ang mga ito sa kanya. C. Ang ginagawa ng tao na maliliit sa mga pagkakasala ay hindi niya pinapansin kaya ang mga ito ay magiging isang kadahilanan sa pagkasadlak niya sa malalaking kasalanang tagapagpasawi.

التصنيفات

Ang Pagpula sa mga Pagsuway