Huwag ngang pipigil sa isang taong kabilang sa inyo ang pangangamba sa mga tao na magsalita siya hinggil sa totoo kapag nakita niya ito o nalaman niya ito."}

Huwag ngang pipigil sa isang taong kabilang sa inyo ang pangangamba sa mga tao na magsalita siya hinggil sa totoo kapag nakita niya ito o nalaman niya ito."}

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Huwag ngang pipigil sa isang taong kabilang sa inyo ang pangangamba sa mga tao na magsalita siya hinggil sa totoo kapag nakita niya ito o nalaman niya ito."}

[Tumpak]

الشرح

Nagtalumpati ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya. Kabilang sa itinagubilin niya na hindi pumigil sa Muslim ang pangamba at ang panghihilakbot sa mga tao at kapangyarihan nila na magwaksi siya ng pagsasabi ng totoo o pag-uutos nito kapag nakita niya ito o nalaman niya ito.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa paglalantad ng totoo at hindi pagkukubli nito dala ng pangamba sa mga tao.

Ang pagsasabi ng totoo ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pagsunod sa etiketa sa pamamaraan ng pagsabi nito o sa karunungan at magandang pangaral dito.

Ang pagkakinakailangan ng pagmamasama sa nakasasama at ang pag-uuna sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya) higit sa mga kapakanan ng mga tao, na kumukontra sa kanya.

التصنيفات

Ang Kahatulan ng Pag-uutos ng Nakabubuti at ang Pagsaway sa Nakasasama