إعدادات العرض
Ang ṣalāh at ang minay-ari ng mga kanang kamay ninyo
Ang ṣalāh at ang minay-ari ng mga kanang kamay ninyo
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang pangkalahatan sa tagubilin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang dumalo sa kanya ang kamatayan ay: "Ang ṣalāh at ang minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Ang ṣalāh at ang minay-ari ng mga kanang kamay ninyo." hanggang sa nagsimula ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na lumalaguklok dahil dito ang dibdib niya. Hindi halos nakapagsasalita dahil dito ang dila niya.}
الترجمة
العربية Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Bahasa Indonesia Kiswahili Hausa සිංහල English ગુજરાતી Magyar ქართული Română Moore Русский Português ไทย తెలుగు मराठी دری Türkçe አማርኛ বাংলা Kurdî Malagasy Македонскиالشرح
Ang pinakamarami sa tagubilin ng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya habang siya ay nasa mga hapdi ng kamatayan ay: "Manatili kayo sa ṣalāh, mangalaga kayo rito, at huwag kayong malilingat dito. Gayundin, gampanan ninyo ang mga karapatan ng minay-ari ng mga kanang kamay ninyo na mga lalaking alipin at mga babaing alipin at gumawa kayo ng maganda sa pag-aari ninyo." Hindi siya natigil na umuulit nito hanggang sa nagsimulang lumalaguklok dahil dito ang lalamunan niya. Hindi halos makapaglinaw dahil dito ang dila niya.فوائد الحديث
Ang kadakilaan ng pumapatungkol sa ṣalāh at ang karapatan ng pagmamay-ari ng kanang kamay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtagubilin hinggil sa dalawang ito sa kahuli-hulihan sa itinagubilin niya.
Ang ṣalāh ay kabilang sa pinakadakila sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya. Ang pagganap sa karapatan ng nilikha at lalo na ng mahihina at mga nasa ilalim ng kamay kabilang sa hindi mga supling ay kabilang sa pinakadakila sa mga karapatan ng nilikha.