إعدادات العرض
Tunay na ang libingan ay kauna-unahang yugto mula sa mga yugto ng Kabilang-buhay. Kaya kung nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na maginhawa kaysa rito; at kung hindi nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na matindi kaysa rito."}
Tunay na ang libingan ay kauna-unahang yugto mula sa mga yugto ng Kabilang-buhay. Kaya kung nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na maginhawa kaysa rito; at kung hindi nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na matindi kaysa rito."}
Ayon kay Hāni' na alila ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Si `Uthmān noon, kapag tumindig siya sa tabi ng isang libingan, ay umiiyak hanggang sa mabasa ang balbas niya, kaya sinabi sa kanya: "Naaalaala mo ang Paraiso at ang Impiyerno ngunit hindi ka umiiyak at umiiyak ka naman dahil dito?" Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Tunay na ang libingan ay kauna-unahang yugto mula sa mga yugto ng Kabilang-buhay. Kaya kung nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na maginhawa kaysa rito; at kung hindi nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na matindi kaysa rito."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Kiswahili සිංහල ગુજરાતી Magyar ქართული Română Português ไทย తెలుగు मराठी دری አማርኛ Malagasy Македонски ភាសាខ្មែរالشرح
Ang pinuno ng mga mananampalataya na si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya), kapag tumindig siya sa tabi ng isang libingan, ay umiiyak hanggang sa mabasa ng mga luha niya ang balbas niya, kaya sinabi sa kanya: "Naaalaala mo ang Paraiso at ang Impiyerno ngunit hindi ka umiiyak sa pananabik sa Paraiso o sa pangamba sa Impiyerno at umiiyak ka naman dahil sa libingan?" Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpabatid na ang libingan ay kauna-unahan ng yugto mula sa mga yugto ng Kabilang-buhay. Kaya kung nakaligtas at nakalusot mula rito, ang matapos nito na mga yugto ay higit na maginhawa kaysa rito; at kung hindi nakaligtas mula sa pagdurusa rito, ang matapos nito na parusa ay higit na matindi kaysa sa anumang narito."فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa nasa kay `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na pangamba kay Allāh (napakataas Siya) bagaman siya ay kabilang sa mga binalitaan ng pagpasok sa Paraiso.
Ang pagkaisinasabatas ng pag-iyak sa sandali ng mga hilakbot sa libingan at Araw ng Pagbangon.
Ang pagpapatibay sa kaginhawahan sa libingan at pagdurusa rito.
Ang pagpapasindak sa pagdurusa sa libingan.
التصنيفات
Ang mga Hilakbot sa mga Libingan