إعدادات العرض
Pumasok sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa oras nang pagpanaw ng anak niya[babae],Nagsabi siya:Hugasan niyo siya ng tatlong beses o limang beses,o higit pa rito-kung sa tingin ninyong ito [ay kinakailangan]-gamit ng tubig at Sidr [puno ng Nabaq,at gawin ninyo sa…
Pumasok sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa oras nang pagpanaw ng anak niya[babae],Nagsabi siya:Hugasan niyo siya ng tatlong beses o limang beses,o higit pa rito-kung sa tingin ninyong ito [ay kinakailangan]-gamit ng tubig at Sidr [puno ng Nabaq,at gawin ninyo sa pinakahuli nito ay ang pabango,o kaunting pabango-at kapag natapos kayo-ibigay paalam ninyo ito sa akin
Ayon kay Ummu `Atiyyah Al-Ansariyyah-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:((Pumasok sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa oras nang pagpanaw ng anak niya[babae],Nagsabi siya:Hugasan niyo siya ng tatlong beses o limang beses,o higit pa rito-kung sa tingin ninyong ito [ay kinakailangan]-gamit ng tubig at Sidr [puno ng Nabaq,at gawin ninyo sa pinakahuli nito ay ang pabango,o kaunting pabango-at kapag natapos kayo-ibigay paalam ninyo ito sa akin))at nang matapos sila,ibinigay-alam nila ito sa kanya.Ibinigay niya sa amin ang nasa baywang niya,At nagsabi siya:Iparamdam ninyo ito sa kanya-ibig sabihin ang sarong niya.At sa isang salaysay: (( o pitong beses)),At nagsabi siya: ((Magsimula kayo sa kanang bahagi niya at sa mga lugar ng hinuhugasan sa [pagsasagawa ng] Wudhu)) At tunay na si Ummu `Atiyyah ay nagsabi: Inilagay namin sa ulo niya ang tatlong tarintas))
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt ئۇيغۇرچە Hausa Português മലയാളം Kurdîالشرح
Nang pumanaw si Zainab-anak ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-malugod si Allah sa kanya-Pumasok ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga naghuhugas sa kanya;At kasama rito si "Ummu 'Atiyyah Al-'Ansārīyah"upang ituro sa kanila ang pamamaraan ng paghugas sa kanya,upang lumabas siya sa mundong ito patungo sa Panginoon niya na malinis at dalisay.Nagsabi siya: Hugasan niyo siya ng tatlong beses o limang beses,upang ang piraso ng paghuhugas nila ay maging gansal,o higit pa rito,kapag nakita ninyo na siya ay nangangalangan ng karagdagan para sa ika-lima,at kung ito ay nararapat gawin.At nang sa gayun ang paghuhugas ay higit na maging dalisay,at ang katawan at higit na matatag,ilagay ninyo kasama sa tubig ang Sidr [puno ng Nabaq],at sa huli nito ay pabango,nang sa gayun itoy maging mabango,pabangong magpapa-iwas sa mga insekto,at higpitan ninyo ang katawan niya;At ipinangaral niya sa kanila na magsimula sila sa pinakamarangal na bahagi ng katawan niya,mula sa bandang kanan,at mga bahaging hinuhugasan sa [pagsasagawa ng]Wudhu,At ipinag-utos niya sa kanila-kapag natapos sila sa paghuhugas sa kanya,sa ganitong pamamaraan,na ipaalam nila ito sa kanya.At nang matapos sila at ipinaalam ito sa kanya;ibinigay niya sa kanila ang sarong niya na siya nakasabit sa katawan niyang dalisay.upang ipadama ito sa kanya,at ito ay magiging Pagpapala para sa kanya sa libingan niya,at sinuway ng mga kababaihan na silang naghugas kay Zainab sa ulo niya,at ginawa nila itong tatlong tarintas,Sa noo ay isang tarintas at sa dalawang tagiliran ay tarintas,at itinapon nila ito sa likod niya.التصنيفات
Ang Pagpapaligo sa Patay